If manggagaling kayo ng bandang northern luzon pwede kayo sakay ng van at Fx sa likod ng mrt station magallanes. Pila yun at bibili parin ticket sa naka set up na table, mga makakasabay nyo dun ay mga nagwowork sa mga call center at opisina sa fort. boni. Dadaan na mismo ng qatar embassy yun. Mckinley road. Kailangan before 7am andun ka na qatar embassy, deretso sa guard at magpalista dahil di pa kayo papasukin sa premises ng embassy. Tatanungan ka kung direct or agency. Kasi may mga representatives din ng agency na nakapila dun. Kahit mas nauna ka, yung mga agencies ang unang iproprocess. Tyagaan lang din. Katapos ko lang nakuha kahapon yung stamped visa ko. Problema na lang sa immigration kung papalusutin ako. knowing yung track record nila na puro na offload mga naka BV,VV at tourist visa. hayst!