Ayoko sana mag-comment dito dahil mga kapwa ko Pilipino ang mga kausap ko sa Shaher at mukha naman sila mabait nung ipick-up ang mga boxes ko. Ang kinakainisan ko lang talaga, ang mga pangyayari pagkatapos nilang makuha sa akin ang bagahe ko ng August 8.

Nag-umpisa ako mag-follow up after 1 month. Ang laging sagot sa akin maghintay ako ng 15 days pa at siguradong darating na. 20 days after tumawag uli ako ang sagot sa akin idedeliver na. Another 10 days past tumawag uli ako para alamin kung nasaan na talaga dahil 2 months na di pa dumarating. Ang sinabi sa akin tawagan ko ang Manila Office para magfollow up. Tumawag ako sa LCSN pero ang sinabi sa akin lumipat na raw sila ng Agent at walang maibigay na forwarding address o contact number ang LCSN sa bago nilang agent dahil wala naman aw ibinilin ang Shaher. So, kailangan ko uli tumawag sa Office ng Shaher dito sa Qatar at kuhanin ang telephone number ng bago nilang agent.

Nung makausap ko ang bago nilang agent sa Manila ang sabi sa akin nasa Custom pa at hinihintay pa mai-clear. Lagpas 80 days bago naideliver at natanggap ang cargo ko at halos lahat ay NABUKSAN at hindi man lang inayos maibalik ang maganda ang pagkaka-tape. At ang PINAKAMASAMA PA, ang mga bagay na dapat ireregalo ko sa aking mga mahal sa buhay ay nabawasan at nawalan. Ang mga chocolates na may mga pangalan na ng pagbibigyan ko ay nadale rin.

Yan ang mga naranasan ko sa Shaher Express Cargo. Yan ang klase ng SERBISYO ang nakuha ko buhat sa kanila. Nakakapanghina at nakakasama ng loob!