Marami na akong nasubukang Cargo company dito. 6 na taon na ako sa Qatar. Madalas akong magpadala para sa pamilya ko sa Pinas at ang PINAKAMASAKLAP na nangyari sa akin ay ang minsang makumbinsi ako ng boardmate ko na magpadala sa Shaher Express Cargo.

Etong mga unang araw ng buwan ng August nagpadala ako ng apat na boxes. Ang sabi ng driver ay ilo-load kinabukasan. Tumawag ako pagkatapos ng isang linggo para maitanong kung ano na ang status ng mga bagahe ko pero walang maisagot ang mga tao sa opisina at halatang nagtuturuan. Ang sabi sa akin naiload na raw pero walang detalye na maibigay.

Nung isang araw nakatanggap ako ng tawag mula sa aking pamilya sa Pinas at sinabing natanggap na raw nila ang aking pinadala pero halos wala na raw "label" ang mga boxes at halatang nabuksan ang 3 boxes. Ang pagkaka-describe sa akin ng aking pamilya sa hitsura ng mga boxes at karumaldumal. Halatang hindi nila iningatan at hanggang ngayon hindi ko pa ma-account kung ano ang mga nawala dahil halatang halata raw na may bawas ang mga boxes.

Kulang kulang na 3 buwan bago nila naideliver ang mga boxes ko at malayo sa sinabi nilang 45 days. Ang serbisyo ng Shaher ay Pangit at Basura! Katulad ng mga pangako nila tuwing tatawag ako at magfollow up.

Kaya gusto kong manawagan sa aking mga kababayan na HUWAG magtiwala uli sa Shaher Express Cargo! Iwasan niyo ang Cargo company na ito dahil wala silang malasakit sa mga pinagpaguran ninyo.

Lalong lalo na ngayong magpapasko baka ang mga ireregalo ninyo para sa mga mahal sa buhay ay hindi makarating o mawalan pa!