kung merong 1/2 star yun ang ibibigay ko. ...

kung merong 1/2 star yun ang ibibigay ko.
wlang kwenta ang pagkain. asahan nyo na ang napakatigas na nilagang baka, asado beef, bulalo, kaldereta--actually parang lahat ng luto na may baka na inorder namin pawang matitigas ang mga meat!(naimbento na po ang pressure cooker) idagdag mo pa ang ubod ng anghang na timpla. dito lang ako nakatikim ng BEEF ASADO na napaka-anghang!!! hindi namin na-enjoy ang dinner kagabi.
to top it all, napakapangit ng service. ang bagal, walang coordination, organization at kailangan ng training ng mga tao/crew/staff nila. baka gusto din nila ayusing ang pagluluto kasi ang mahal na ng presyo nila tapos disappointing lang ang lahat ng iseserve nila. sayang lang pera!