May Isang Kabayan Kawawa
Mga kabayan, mayroon akong nakausap na kabayan natin, nagtatrabaho sa isang bahay alaga,( ewan ano tawag sa salita natin, pasensiya na po di ako taal na Tagalog) nag-aalaga ng mga bata. Kinuha daw siya sa ahensiya bilang katulong pero ang trabaho eh dito nga sa bahay alaga, di bale sana kung isa or 2 or 3 lang ang inaalagaan. Aba e 30 bata ang inaalagaan. Mula 5 AM hanggang 10PM. Ala pang pagkain, 700 lang ang sweldo, ala pang araw manlang ng pahinga. Tinanong ko kung pano nakakasurvive sa araw-araw, yun daw pagkaing baon ng mga alaga. 3 buwan na siya duon, at natatakot siyang magreklamo baka daw mapauwi siya e maraming umaasa sa kanya. Ano ba ang pwede nating gawin para matulungan siya sa situation niya? Mabawasan manlang ang oras ng trabaho niya or mabigyan manlang ng pagkain i mean dapat maprovide-an ng employer niya ang pagkain niya. Pag araw na alang alaga, pinapagplantsa pa siya. Kawawa naman. Pana daw ang amo at nasa katabing pintuan lang . Pupuntahan ko nga siya at baka pwede kong kausapin ang amo or takutin kaya na isusumbong ko sa labor or pano ba ang magandang gawin mga kabayan?
Pasensiya na po di ako marunong magpost sa Pinoy group...
It's not the Embassy ang dapat mong lapitan kundi ang Human rights! doon sa Salwa Road pag lagpas ng Jarir Bookstore. Alam ni Treysdad all the telephone numbers ( kasi nabura sa cellphone ko pag transfer eh! kaya nawala na sa record ko ang number nila.) pero mas epektibong lumapit doon kung pwede personal s'yang lumapit kesa tumawag, dahil sa Embassy sasagutin ka lang nila na that is their sponsor's perogative!
It's great 2 b loved!
Hinde ko pa nakausap na mabuti at bilisan lang usap namin dahil baka nakikinig yung amo sa extention. Pupuntahan ko titignan ko ang situation niya,,magpapanggap akong nag-iinquire . I will let you know. kaya ko hirap tinatagalog para di maipasa sa mga pana, at baka isa pa pala dito sa QL ang amo.
"Only in Dreams never in reality"
pumunta sya sa pilipin embassy pero siguraduhin lang natin na totoo sinasabi nya at baka tayo pa masabit, sang ayon ako ke nez_qa....
tell mo huwag siyang matakot, indian pala amo niya e, di naman qatari....saka pag malaman ng qatar labor iyan baka multahin pa nila indian na iyan at bigyan pa pera ang ating kabayan...... grabe naman na ang shift nya at trabaho..nagugutom pa..
employer na iyan, hindi ne good bussinessman iyan at hindi na rin tao.....di na sila nakunsensya....taga saan po ang kabayan natin na iyan???? saang province po???
****************************************
PEACE NOT WAR FOR 2008! ________________________________________
also if you are iphone user, check this forum:
ht
knew first the real score. true ba ang story nya. marami na rin tayong kabayan na sumabit sa pagtulong at nakulong pa dahil lamang sa pagtulong sa katulong.
alamin mo muna before gettin' involve.
siguro maganda nyan kabayan mag-tanong muna sa phils. embassy natin dito kasi mas alam nila tungkol sa ganyang sitwasyon then pwede rin siguro na sila ang bumusita at matingnan.