Visa para po sa mga biyenan ko
By Gulfline07 •
Magandang umaga sa inyo mga kabayan.
Merry Xmas and Happy New Year po sa inyong lahat.
Nais ko po sanang humingi ng payo sa inyo hinggil po sa visa na iaapply ko sa mga biyenan ko.
Balak ko kasi silang papuntahin dito sa darating na Marso.
Sa mga may naka experience na po sa inyo, ano po bang visa ang pinaka mabilis at walang hassle? Isang buwan lang naman po silang mananatili dito sa Doha.
Atsaka ano po ba ang maga kinakailangang mga dokumento? Salamat na marami po..
0 comments