TAWAG NG PANGANGAILANGAN
Sa mga nagdaang thread na ating nabasa mula sa mga artikulong "Tawag ng Laman" galing sa GMAnews Pinoy Abroad (hindi ako author ha hehe) ay tunay na naging isang Box Office sinundan ng katanungang "Tapat ka bang Asawa?" here comes the thread na kailangang gawin natin, makisawsaw, at makisali! Tara na! IBA NA NAMAN NASA ISIP NYO NO?
.
.
.
"Tawag ng pangangailan" ang sambit ng mga kababayan nating naloko, niloko, nawalan ng trabaho, nagkaproblema sa kanilang amo, sa kanilang mga pnagtatrabahuhan tulad na lamang ng mga pinoy na naunang nabalita at naging talk of the town, namumulot ng isda sa corniche, natutulog sa ilalim ng tulay, tumakas sa lupit ng mga amo, mga kababayang hindi nakapagbabayad ng kanilang mga utang, napiit sa kulungan sa kung ano-anong dahilan at iba pa... Tayong mga pinoy ay likas talagang matulungin at lahat ata ng katangian sa mundong ibabaw ay nasa atin na... may nang-aaway, may mga pasaway, may mga mabait, may tahimik, may magulo, may maramdamin, may manipis at makapal... hayz siguro dahil na rin sa kung ano-anong lahi ang nanakop sa ating Inang Bayan at kaya naman lahat din na paraan ay ating ginagawa maging masama man o mabuti para na rin sa ating pamilya...
Patuloy pa rin ang grupo ng QLFILEX na humihingi sa ating lahat ng BOLUNTARYONG pagbibigay upang in some other way at makatulong man lang tayo... at sabi nga nga iba mas mabuti na ang magbigay kesa ikaw ang binibigyan meaning mabuti na ung nagbibigay tayo kesa mangyari sa atin ung mga karanasang kanilang nararanasan sa ngayon... Maari po nating kontakin ang admin ng ating samahan dito sa QL... at kung gusto nyo rin naman makita o masaksihan ang kanilang kalalagayan ay pwede kayong sumama sa kanilang pagbisita doon...
Marami pang mga kababayan ang nais nating tulungan... meron pang mahigit na 30 babae ang aking namataan sa POLO last week during our meeting... sila pala ay biktima ng malulupit na among kanilang pinaglilingkuran, pinagmamalupitan at sinasaktan... mga babaeng hangad ay kumita para sa kanilang pamilya, nilisan si Inang Bayan ngunit ang katumbas ay masakit na karanasan... hindi natin maisa-isa ang kanilang sitwasyon... ibat-ibang karanasan...
Dumarating din minsan sa atin ang sobrang stressful na rin sa pagbibigay... hanggang kelan nga ba natin sila tutulungan? Minsan pa daw isinasama na ung pamilya sa pinas na kailangan na rin nga daw ng tulong kasi hindi sila nakapagpapadala kaya ayun ung pamilyang naiwan e pinalayas ng paupahan, at nasa kalye na rin daw... Marami pang mga proseso atang kanilang dadaluhan sa pakikipaglaban sa kanilang kaso at ito daw ay nasa higher court na at marami pang araw silang bubuuin, kakainin at mga pangangailan na tayo lamang mapapalad ang makakatugon... maraming mga cause oriented group na rin ang tumutulong sa kanila... ang tanong hanggang kailan nga ba?
Hindi rin natin masisi ang ibang tao na sumusuko na rin sa pagbibigay ngunit isipin na rin natin na isang mahalaga at malaking bagay ang pagtulong... sa pagtulong din dapat isipin natin maigi ang tinutulungan... alam ko marami rin sa inyo na tumutulong but in the end ay sila pa ang nasasaktan... sila pa ang nagiging masama at yun ay atin na ring nabasa sa mga nakaraang thread...
para sa bawat isa sa atin binigyan tayo ng conviction ni Lord, binigyan tayo ng wisdom kung paano natin gagamitin ang mga bagay na iyon sa pagtulong... Tumulong hanggang kaya, tumulong ng buong puso at walang pag-aalinlangan... sabi nga YOU CAN GIVE WITHOUT LOVING BUT YOU CANNOT LOVE WITHOUT GIVING...
O yan tama na muna yan at masyado na kong madrama... Kayo po? sa inyong sarili ano po ba ang inyong damdamin sa pagbibigay?
Magandang Hapon po!