sweldo...
hindi ko nakaugalian na magtanong ng sweldo ng ibang tao (pwera na lang sa asawa ko) lao na sa kasamahan sa trabaho.
ang patakaran ko kasi sa sarili ko, pagmumulan lang ng inggitan kapag inalam mo ang sweldo ng bawat isa sa opisina nyo. isa pa, kapag alam mo ang sweldo ng ibang kasamahan mo lalo na at kalevel mo din at malaman mong mas mataas ang sweldo sayo pagsisimulan na yan ng napakaraming "bakit??"
nabigla kasi ako ng tanungin ako ng kasamahan ko kani-kanina lang kung magkano daw sweldo ko.
hindi ko sinagot, sabi ko lang, confidential yun. :)
ang damot ko naman daw, para nagtatanong lang naman sya.
natawa na lang ako.
kayo natanong na ba kayo kung magkano sweldo nyo?
eh, magkano nga ba?? :))