Pinay natagpuang patay sa Dubai
Eto po yung link, http://www.abante.com.ph/issue/apr0110/abroad02.htm
Isang hindi pa nakikilalang babae na pinaniniwalaang isang Filipina ang nabungarang walang buhay sa Al Twar 1 sa Dubai.
Batay sa deskripsyon ng umano’y Pinay, ito ay tinatayang nasa 30 pataas ang edad, kayumanggi, mataba at mababa lamang ang height.
Napapalamutian ng isang gintong kuwintas ang leeg ng babae at nakasuot ito ng itim na shirt at short pants.
Natagpuan umanong walang buhay ang hinihinalang Pinay noong Marso 26, Biyernes ayon sa ulat ng isang lokal na pahayagan sa UAE.
Kaugnay nito, nanawagan ang Dubai Police para sa pagkakatukoy ng pagkakakilanlan ng babae.
0 comments