Payo para sa isang battered wife
Tulungan nyo nga ako payuhan ang kaibigan kong nasa Pinas...
Matagal na syang battered wife pero d nya magawang iwan ang asawa dhil me tatlo silang anak na mga babae pa, at mga teenagers na. Katwiran nya mahal nya ang tatay ng mga anak nya at isa pa d nya kayang buhayin ang mga eto ng mag-isa. Kya ang siste, patuloy syang nagtitiis khit jumbagin sya pag mainit ang ulo nito. A few years ago, naitulak sya nito sa sahig at dhil d2 nagka slip disc sya. Sanhi nito naging madalas ang pag absent nya pag inaatake ng sakit... A few days ago lng nagtxt sya sakin at sinabi nyang madalas mainit ang ulo ng asawa nya at galit lagi dhil nag resign eto sa work at sya ang pinagbubuntunan ng init ng ulo. Nung isang araw, galit na galit daw at sya na nman ang sinaktan at tinamaan sya sa ulo. Sabi nya hirap na hirap na sya.
Lagi ko payo sa knya magdasal at ipagdasal ang asawa, dhil d nman nya maiwan-iwan. Pero sa ganitong sitwasyon na palala na ng palala, parang ang payong un ay d na sapat. Kya sabi ko kelangan nya na magpakupkop sa isang NGO for battered women bago pa sya tuluyang mapatay ng asawa. Ulila na rin sya at ang kaisa-isa nyang kapatid na lalaki nasa US at me pamilya na rin at walang pakialam sa knya dhil sa impluwensya ng asawang me dugong mapanglait at walang pakialam. Nahihiya rin syang lumapit sa mga kamag-anak nya.
Kayo, me alam ba kayong NGO na nagkukupkop ng mga battered women? Ano ba ang pwede nyong maipayo sa knya?