Paquiao vs. Diaz

Kudos Pacman!! (ang bagong kampeon sa WBC Lightweight Division)
Kanina ipinalabas na ang Paquiao vs Diaz match na ginanap sa Mandalay Bay Las Vegas..well umaga pa lang dito sa Pilipinas alam na kagad ang pagkapanalo ng ating kababayan. Hindi man tayo ang pinakamagaling na lahi sa QL at kung minsan ay inaalipusta noong nakaraang linggo sa iilang threads, nailagay naman natin uli sa mapa at naitaas ang bandilang Pilipino.
Alam nyo ba guys sa Las Vegas tumaya ka ng $100 kay David Diaz at pagnanalo sya $100 din ang babalik syo pero kung kay Pacman ka tataya ng $100, babalik lang syo $18, kung gusto mo maibalik ng malaki ang taya mo kailangan mo tumaya ng $500 para lang makuha ang $100 na premyo. Ganun kadami ang tumaya kay Paquiao kaya maliit ang nagiging hatian..
May agimat yata si Paquiao kaya lagi panalo..alam nyo rin ba na sya ang kauna-unahang Asyano na naging kampeon sa 4 na divison ng boxing? Kung alam nyo na..e di masaya may ipagyayabang na naman tayo sa ibang lahi!! LOL.. Pero kung di nyo pa alam well, knowledge is power..
Sa ngayon labis ang tuwa at saya ng mga Pilipino rito naging payapa ang Pilipinas pansumandali walang pulitika at karahasan na ibinabalita..isinantabi rin ang traffic sa Edsa. Dito sa Ortigas kung saan ako pumapasok napakatahimik at payapa kse lahat sila nakatutok sa laban ni David Diaz at Manny Paquiao!!
Mabuhay ang lahing Pilipino!! Talaga namang namamayagpag tayo sa larangan ng boxing dahil kay Pacma..Mabuhay Manny Paquiao, tunay kang anak ng bansang Pilipinas!!
We are very Proud of you!!