PANYO (A Short Story)

andrei23
By andrei23

Censia na mga kabayan. Tamang senti lang kse. Mejo matagal na din akong natigil sa pagsusulat at mejo namiss ko. Baka sakali lang magustuhan nio.

Panyo
Ni Andrei23

Inabot nia ang panyo kay Julie.

Marahang tinangap nman ng huli ang inalok ng una upang gamiting pantuyo sa kanyang pisnging basang-basa na ng kanyang luha. Hilam na hilam na siya. Halos hindi na niya maaninag pa ang taong kanyang kaharap at kausap.

Hindi ba at ito ang kanyang hinahanap, ang matagal na niyang gustong malaman, maramdaman at mabigyang kasagutan. Ngayon nararamdaman na niya ang kanyang pinapangambahan dati.

Bago sila magharap, sinabi niya sa kanyang sarili na handa siya anuman ang kalabasan ng kanilang pag-uusap, anuman ang kanyang malaman at marinig mula sa labi ng kanyang pinakamamahal. Matagal na niyang nararamdaman ang kirot sa kanyang puso ngunit bakit ngayon ay hindi niya kayang maipaliwanag ang sakit na bumabalot sa kanyang katawan – sa kanyang buong pagkatao. Kakayanin ba nia ito?

Gusto niyang magsisi. Gusto niyang ibalik ang oras upang hindi na sana ito nangyari ngaun. Gusto niyang bawiin ang kanyang desisyon na pag-usapan na ang lahat-lahat tungkol sa kanilang dalawa.

Huminga si Julie ng malalim, dahan-dahan. Gusto niyang mapanatili ang konti pang lakas na nananatili sa kanyang sistema. Kakayanin niya ito, sabi niya sa kanyang sarili. Kahit mahirap, kahit masakit, kahit hindi niya kaya, haharapin niya.

Marahan niyang itinaas ang kanyang ulo na kanina pang nakatungo sanhi ng kanyang pag-iyak. Unti-unting nagiging malinaw ang mukha ng lalaking sanhi ng kanyang pighati. Bakit ganun, lalo niyang nararamdaman ang sakit? Dahil ba sa ito na marahil ang huling pagkakataon na makakasama niya at mapapagmasdan ang kanyang maamong mukha? Hindi niya ata kaya. Nasanay na siyang nakatitig sa kanyang maamong mga mata.

Itinaas niya ang kanyang kanang kamay upang idampi sa kaliwang pisngi ng kanyang kaharap. Nanginginig ang kanyang kamay habang ang kaniyang kaliwang kamay na nasa ilalim ng mesa ay kinayumos ang hawak na panyo. Ang hapdi, ang sakit-sakit. Marahan niyang pinisil ang pisngi ng kanyang itinatangi. Malaya na namang dumaloy ang kanyang mga luha. Pigil na pigil niya ang kanyang paghagulgol. Ayaw niyang gumawa ng eksena sa pampublikong lugar kahit pa sabihing nasa tagong lokasyon ang kanilang mesa na naiilawan lang ng apat na malalaking kandila. Gusto na niyang sumabog pero kinokontrol niya.
“I am sorry,” sambit ng lalake sabay patong sa kamay ni Julie na humaplos sa kanyang mukha.

Parang punyal na tumarak at gumuhit ang mga salitang ito sa puso ni Julie. May magagawa pa ba siya? Ginawa naman niya ang lahat ng alam niya na tama pero bakit dito pa din humantong?

Ramdam na ramdam niya sa kanyang puso ang bawat paghaplos ng lalake sa kanyang kamay. Inaalo lang ba siya? Pinapalakas ang loob? Hindi na niya alam kung ano ba ang kanyang dapat maramdaman. Ganito ba ang pakiramdam ng nababaliw na? Ng baliw sa pag-ibig?

Pinilit abutin ng kanyang hinlalaki ang labi ng lalake. Buong ingat at pagmamahal niyang hinaplos ito. Huli na ba ito? Huli na ba niyang mararamdaman ang init ng kanyang labi? Marahil.

“Masama ba akong babae?” pagsusumamo niya.

“Hindi ako nagmahal sa isang masamang babae.Hindi ko kaylan man pinagsisihan na minahal kita?” sagot nito. “Sa puso ko ay mananatili ang ating mga alaala. Masakit man ngunit marahil ito na nga ang tamang panahon upang tapusin ang lahat,” pagpapatuloy pa nito.

Sumigaw si Julie na ayaw niya, na hindi pwede, na maari pa nilang maayos ang lahat. Ngunit ang lahat ng ito ay nasa isip niya lang. Sabi ng puso niya, ipaglaban niya,dahil ito ang kanyang unang minahal,ito ang kanyang tungay na pag-ibig. Pero sabi ng utak niya ay itigil na ang kahibangang ito. Masyado na siyang nagiging makasarili. Wala na siyang ibang inisip kundi pagbigyan ang kanyang pansariling kaligayahan. Hindi nga niya alam kung anong tawag sa kanyang nararamdaman. Paano naman iyong ibang tao na nangangailangan ng kanyang pagmamahal at atensyon? Panahon na nga siguro na palayain niya ang kanyang kaharap. Sa tagal naman ng kanilang relasyon ay naging mabuti ito at mapagmahal. At naramdaman niya ang pagpapahalaga sa kanya. Masyado na siyang naging sakim sa pagmamahal.

Nakita at naramdaman ni Julie ang pagtulo ng luha sa kanyang kamay ng binatang ito. Sabay ngiti sa kanya ng pagkatamis-tamis labas ang mapuputing mga ngipin

“Tahan na. Mugtong-mugto na ang iyong mga mata. Naghihintay na sa bahay ninyo ang iyong asawa at mga anak,” pagtatapos ni Darius.

(September 15, 2008, Doha, Qatar)

Log in or register to post comments

More from Qatar Living

Qatar’s top beaches for water sports thrills

Qatar’s top beaches for water sports thrills

Let's dive into the best beaches in Qatar, where you can have a blast with water activities, sports and all around fun times.
Most Useful Apps In Qatar - Part Two

Most Useful Apps In Qatar - Part Two

This guide brings you the top apps that will simplify the use of government services in Qatar.
Most Useful Apps In Qatar - Part One

Most Useful Apps In Qatar - Part One

this guide presents the top must-have Qatar-based apps to help you navigate, dine, explore, access government services, and more in the country.
Winter is coming – Qatar’s seasonal adventures await!

Winter is coming – Qatar’s seasonal adventures await!

Qatar's winter months are brimming with unmissable experiences, from the AFC Asian Cup 2023 to the World Aquatics Championships Doha 2024 and a variety of outdoor adventures and cultural delights.
7 Days of Fun: One-Week Activity Plan for Kids

7 Days of Fun: One-Week Activity Plan for Kids

Stuck with a week-long holiday and bored kids? We've got a one week activity plan for fun, learning, and lasting memories.
Wallet-friendly Mango Sticky Rice restaurants that are delightful on a budget

Wallet-friendly Mango Sticky Rice restaurants that are delightful on a budget

Fasten your seatbelts and get ready for a sweet escape into the world of budget-friendly Mango Sticky Rice that's sure to satisfy both your cravings and your budget!
Places to enjoy Mango Sticky Rice in  high-end elegance

Places to enjoy Mango Sticky Rice in high-end elegance

Delve into a world of culinary luxury as we explore the upmarket hotels and fine dining restaurants serving exquisite Mango Sticky Rice.
Where to celebrate World Vegan Day in Qatar

Where to celebrate World Vegan Day in Qatar

Celebrate World Vegan Day with our list of vegan food outlets offering an array of delectable options, spanning from colorful salads to savory shawarma and indulgent desserts.