Paalala Lamang Po, Ilang Tulog na lang at Ramadan Na
Mga kapuso, kapamilya, kaberks, ka toothdecay (chevy mode) isa lamang pong paalala; nalalapit na po ang Holy month of Ramadan. Ano-ano nga ba ang mga di dapat gawin sa panahong ito;
- bawal kumain sa umaga (lalo na sa publikong lugar) hangga't di pa nila binabasag ang pag-fa-fast ng ating mga kapatid na muslim.
- bawal din uminom ng tubig o kahit na anong bagay
- bawal din manigarilyo
- bawal din kumain ng kendi o kahit ng bubblegum
*kaya kung di ninyo kayang magtiis ng gutom o uhaw ay kumain na kayo ng marami sa agahan. o kaya kung may baon kayo ay kumain kayo sa tagong lugar na hindi nila makikita
- bawal mag-ingay o magpatugtog ng malakas
- bawal na ito pero mas lalo silang mahigpit pag dating ng ganitong panahon, bawal din mag-suot ng mga revealing dress.
karagdagang paalala:
- sa mga nagmamamaneho, ibayong pag-iingat po sa daan at paniguradong mas maraming sira-ulo sa daan kapag ganitong panahon.
- lagi po nating igalang at irespeto ang tradisyon at pananampalataya ng ating mga kapatid na muslim.
kung may mga nakaligtaan pa po ako, paki dagdag na lamang po sa sinulid na ito :)
patalastas:
si Chevy po ay naghahanap pa rin ng boarder, paki PM na lamang po siya para sa karagdagang detalye :)