OEC
hi all,
so this morning pumunta ako sa POLO to get an OEC.. nakalagay sa gate nila 8:30 and open ng office so since maaga kami dumating, punta muna kami sa PE para magpa-register para sa nalalapit na election. Then balik ulit sa POLO around 8:40 na at nakakatuwa sila ha kasi 8:40 na sarado pa ahhhhhhhhhhhh! well anyway, they opened their gates to the public ng 8:45 so derecho na kami and after ng pagkahaba habang paghihintay for my name to be called ayun pinagbayad na ako ng QR 93.. Ngayon, ang sabi sa akin, since i came here under visit visa and now im on working visa, membership lang daw sa OWWA yung mapa-process dito and the rest, sa Pinas ko na aasikasuhin, akala ko pa naman ok na lahat. sino po sa inyo nakaranas kaparehas nung sa akin? Pa-share naman, like kung magkano ang fees pa na babayaran sa POEA sa atin at saka kung matatapos ko kaya sya in a day? Thanks.