Need advice or opinion
![MR CONFUSED](/sites/all/themes/qatarliving_v3/images/avatar.jpeg)
Kabayan baka po may kakilala kayo na kagaya ng sitwasyon ko. Kalilipat ko lang po ng bagong kumpanya dito din sa Qatar at nakapirma na po ako ng offer letter nila (although sa pagkakaalam ko di pa eto yung final na kontrata, tama po ba?)at naibigay ko na rin po ung NOC. Pero di ko pa po naibigay ung mga ibang requirements para matransfer ung isponsorship gaya ng mga NBI at school certificates (diploma at transcript)dahil mangaggagaling pa ito sa 'Pinas at kailanganang pang ipa-ribbon ang mga ito. Ngayon po ay natanggap ako sa isa pang inaplayan kong kumpanya dito at balak kong lumipat doon at iwan ko itong pinagbigayn ko ng NOC. Pwede pa po ba ito? May karapatan n ba itong konpanyang ito na pigilan ako kasi naibigay ko na sa kanila ang NOC ( may pirma po ako sa NOC). Ano po ba mga legal consequenses nito kung meron man?