mag-ingat sa mga adik
share ko lang isang kwento na nasagap ko dito sa qatar ukol sa mga nagdrodroga dito. eto ay totoong nangyari noong nakaraang araw, may nakakita ng isa grupo ng mga katutubo dito na nagdrodroga sa kotse at ang matindi pa nito ay nakaparada sa hiway at nadadaanan ng mga sasakyan (magagara ang sasakyan nila)at mga tao. ang tindi! walang takot at pakialam kung may makakita. sa pinas, nagtatago ang mga adik pag gumagamit. e mala-tawas daw ang tinitira nun mga nasabing mga grupo. gabi daw ito nangyari malapit sa isang ospital dito. Advice lang mga kabayan, magiingat sa paglalakbay at dahil pwede makaaksidente tong mga praning na ito. ang tanong lang e bakit mala-tawas ang tinitira? nauubusan na ba sila ng pera? parang nagkukuripot na ata. hehehe