Lumalaban ang Manok Ko!
Laban ni Gibo lumakas kay Quiboloy
(JB Salarzon)
Nagbigay ng panibagong dimensyon sa kandidatura ni Lakas-Kampi-CMD standard bearer Gibo Teodoro ang pag-endorso ni Pastor Apollo Quiboloy na lalong nagpalakas sa kampanya na siyang sisiguro sa panalo nito sa Mayo 10, 2010.
Sinabi ni Mike Toledo, dating press secretary at direktor ng GIBO 2010 Media Bureau, bukod sa dalawang secret weapons -- ang kabataan at ang malakas na grassroots machinery ng Lakas-Kampi-CMD, makakaasa rin si Gibo sa mga command votes na galing sa ilang lider sa labas ng political mainstream.
Ang mga lider na ito ay kayang magbigay ng malaking boto para sa kanilang sinusuportahang kandidato dahil ang kanilang grupo ay bumuboto ng bloc voting.
Ang kongregasyon ni Pastor Quiboloy na Kingdom of Jesus Christ: The Name Above Every Name ay mayroong anim na milyong Pilipinong miyembro sa buong Pilipinas at buong mundo.
Si Gibo ayon kay Quiboloy ay ang pinakamagaling na presidente na mamumuno sa atin sa susunod na anim na taon.
Nauna rito ay nasa 128 gobernador, mambabatas at kandidato ay nagpulong sa Marco Polo Hotel sa Cebu City para ideklara ang 100% suporta kay Gibo at pumirma sa “The Cebu Declaration”, na may pangakong patuloy nilang susuportahan si Gibo hanggang sa dulo.
Source: http://www.abante-tonite.com/issue/may0510/news_story8.htm