joke lang po...
(from ABANTE-tonite)
ISANG SARAO… na-KIA ni OPEL si FORD na MITSUBISHI.
KIA pala… HINObaran niya ang tuyot na TOYOTAng si MERCEDES sa BENZ.
Ni-MAZDAN at niZUSU!
“DAI… HATSHU!” nabahin si Chedeng habang ni-SUZUKI ang VOLVO ng HONDA ng gengsa.
PONTIAC! TATA, ni-HYUNDAIyan pa! [Adarmi]
Muli, ang pakiusap namin sa mga mambabasa… HUWAG PO NINYONG SERYOSOHIN ang mga kabulastugang ito.
Jokes lang po, walang personalan.
***
CHRIS: Pare, peke ang Polo shirt mo!
JAMES: Hindi, pare! Orig ‘to!
CHRIS: Eh bakit maikli ang isang paa ng kabayo sa logo?
JAMES: Adik ka ba? Hindi naman Polo ang tatak nito… Polio! [Baby Chinito]
***
Bakit pag nagmahal ka, kailangang masaktan?
Ano ‘yun, package deal?
“Buy love, take pain!”
Hindi ba pwedeng, “With every purchase of love, you can get your loved one for free”?
***
PILAR: Akala ko ba, magaling ang doktor mo. Isang taon na kami ng mister ko na kumukunsulta sa kanya, hindi pa rin ako nabubuntis!
EMMA: Tange ka pala! Sa susunod, huwag mong isama ang mister mo!
***
Iniwan niya ako para matutong maghabol.
Nawala siya para matuto akong maghanap.
Lumayo siya para matuto akong lumapit.
At ngayong nagmahal siya ng iba, ano ang gusto niyang matutunan ko?
Pumatay ng tao?
***
Nagpunta si Michelle sa dentista. Tinanggal niya ang kanyang panty at bumukaka siya sa upuan…
DENTISTA: Ma’am, hindi po ako OB-gyne.
MICHELLE: Ikaw ang gumawa ng pustiso ng boyfriend ko! Ngayon, tanggalin mo!
***
“Mahirap pumapel sa buhay ng tao… lalo na kung hindi ikaw ‘yung bida sa script na pinili niya.” – BOB ONG
***
TIPS para hindi ma-offend ang iyong minamahal kung…
MARUMI ANG KUKO: “Sweetheart, may bukid ba kayo?”
PASMADO: “Babes, ilang percent ang shares mo sa Nawasa?”
MAY MUTA: “Sugar, magdamag ka bang umiyak?”
MAY PUTOK: “Hon, may kamag-anak ka ba sa Middle East?”
BAD BREATH: “Darling, humihinga ka ba o umuutot? Just asking…”
***
Sumakay ng taxi si Thess…
THESS: Mamang driver, bakit ang bagal-bagal ng takbo nitong taxi mo? Hindi yata made in Japan itong taxi mo!
DRIVER: Pasensya na po, ma’am.
THESS: O, bakit ang bilis-bilis ng takbo ng metro mo?
DRIVER: Kasi, ma’am… made in Japan ‘yan! [Vin ng Antipolo,