H'wag kasing landiin ang Taken na ...
title ng isang fan page sa Facebook,nang makita ko ang fan page na to,natatawa ako habang binabasa ko ang mga istorya ng mga taong naexperince na landiin ang kanilang mga dyowa or asawa nila but at the same time,naaawa rin ako,naalala ko tuloy ang naging experience ko sa Pinas with my husband,sa totoo lang,As a married woman,first time kong naexperience ito at first time kong nagselos bilang asawa nya,share ko lang po..
One day nung nasa nagvacation kami sa pinas etong dec lang,nagpunta kami ng husband ko along with my niece sa SM Fairview at pumasok kami sa isang clothing shop ang TRIBAL,then may nag assist sa amin na saleslady,mabait yung saleslady na yun at yung may nagustuhan ako na damit,agad akong nagpunta sa fitting room para isukat,then yung natapos na ako,agad naming binayaran ang damit pero nagtataka lang ako kasi yung 3 saleslady na naduon din,panay ang kausap sa husband ko at nakikipagbiro pa,syempre ako naman di naman agad ako magseselos ng walang dahilan so di ko gaanong pinansin ang mga biruan nila,tapos yung saleslady na nag assist sa amin,binulungan ako at sinabi "Miss,alis na po kayo",napatingin ako sa kanya na parang nagtatanong pero makahulugan din ang tingin sa akin ng saleslady..then yung nasa bus na kami,nagsumbong ang asawa ko sa akin,sabi nya sa akin,yung isang saleslady daw lumapit daw sa kanya while i was in the fitting room,nagulat daw sya sa sinabi ng babae,"Sir I'm available tonight,Im still virgin,if u want to u can pick me up later",nashock daw sya sa tinuran ng babae,nagsalita ang asawa ko "I am married,here's the ring and my wife is there in the fitting room",pinakita ni hubby ko ang singsing sa daliri nya,pero sige lapit pa rin daw sa kanya ang saleslady kahit saan daw sya magpunta,lumayo na lang daw sa kanya yung lumabas na ako,kaya pala pinapaalis na kami ng isang saleslady dahil nilalandi na pala ng mga bruha ang asawa ko at kung bakit ganun sila makipag biruan sa asawa ko. kahit di naman nakikipagbiruan si hubby sa kanila.sobrang galit ko nun sa mga saleslady doon at gusto kong balikan para mapagsabihan man lang ng matauhan pero pinigilan ako ni hubby,ayaw daw nya ng eskandalo kaya yung nakaalis na kami dun na lang nya pinagtapat sa akin,..Di lang makapaniwala ang asawa ko na merong mga ganung babae na desperada,kahit alam nilang may asawa na at kasama pa,wala silang pakialam,napabuntong hininga na lang si husband at di talaga makapaniwala sa inasta nila..nakakahiya lang isipin na ang ganda ng trabaho nila at sa isang sikat na brand pa sila nagtatrabaho pero kung umasta sila ay para silang mga prostitute,nakakahiya na sa loob pa ng working place dun pa sila nag-aalok ng sarili nila..alam naman natin na di maganda ang impresyon sa atin ng ibang mga lahi at naiisteriotype tyong mga pinay as a whore pero anong magagawa natin kung harap harapan nakikita na natin ang katotohanan na merong mga pinay ang gumagawa nito at nadadamay lang ang ibang mga matitino,..sabi nga may kanya kanyang dahilan ang bawat isa kung bakit merong mga ganitong klaseng mga babae...