Gabi ng kantahan at Okrayan:)
Minamahal naming Filexpat Members,
Malugod po ulit namin kayong inaanyayahan sa isang buong gabi, kakaiba at totoo namang masayang pagtitipon sa darating na ika-19 ng Hunyo, dalawang daan at walo; sa oras na ika-siyam ng gabi hanggang kinabukasan ng alas-dose ng tanghali.
Sa lahat po nang nais makisalo, makihalubilo at makigulo sa darating na kasiyahan, magpalista o maghatid ng pribadong mensahe kay celia_j.
Mayroon po tayong ambagan para sa mga sumusunod:
1. lugar ng pagtitipon
2. sasakyan o bus para sa lahat
Ang kabuuan po ng ambagan ay nagkakahalaga ng limampung riyal bawat isang tao. Medyo may kalayuan po ang lugar ng ating pagtitipon ngayon kaya inaanyayahan po ang lahat na sama-sama po tayong maglalakbay sa iisang sasakyan.
Kung mayroon po tayong katunungan at suhestiyon, makipag-ugnayan o sumangguni lamang po tayo kay Qatar Idol.
Para naman sa mga gustong sumali ay huwag nang mahiyang makipagkita at magpalista kay celia_j.
Bukas na po ang simula ng ating ambagan at ang palugit nito ay magtatapos hanggang ika-13 ng Hunyo sa darating na Independence Day sa Hyatt Plaza.
Salamat po ulit nang marami at mabuhay po tayong lahat.