(FILEX) Posibilidad ng pagbalik gamit ang isponsorsyip ng asawa
Magandang araw mga kabayan.
Kahapon pa ko naghahanap ng sagot sa tanong ko dito sa kyuel pero wala akong malinaw na sagot na makita.
Patulong naman po sa mga nakakaalam para maliwanagan ang utak kong magulo. :)
Sa ngayon ay nandito pa rin ako sa Qatar sa ilalim ng isponsorsyip ng aking kumpanya. Sa Pilipinas ako na-i-hayr sa pamamagitan ng ahensya.
Nandito din ang asawa ko na nagtatrabaho naman sa ibang kumpanya sa ilalim din ng isponsorsyip ng kanyang kumpanya.
Ang isyu ko po ay nagbabalak na akong magbitiw sa trabaho ko sa darating na ikatlong taon ko sa kanila, ilang buwan mula ngayon.
Ang tanong ko po ay kung maari po ba akong makabalik dito sa Doha sa pamamagitan ng pag-iisponsor ng aking asawa? Kung oo po ay kailan ako maaring makabalik? Ilang buwan ang kailangang palipasin? Gusto na rin sana kasi naming maisama ulit dito ang aming mga tsikiting.
Maagang pasasalamat sa mga magbibigay ng opinyon, sagot at oras. :)