(Fil-Expat) Looking for Drivers (Continuation)

Wika nga ng matatanda: "Sa hinaba-haba daw ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy"
Sa wakas, nakumbinsi rin ang namamahala at may-ari ng aming kompanya na mag-hire ng Pinoy drivers. Di naman po sa pagiging racist, pero kumpara sa Ethopian, Nepalese, Sri Lankan at Indian drivers, masasabi pa rin na mas lamang pa rin ang pinoy pag dating sa pagmamaneho ng sasakyan at pangangalaga nito
Yun nga lang, maloko rin po ang mga Pinoy, di po ba :P
Pero sa seryosong usapan, nangangailangan ang aming kumpanya ng 3 pang drivers.
Kung may kakilala kayo o kamag-anakan na nasa Pinas at sa palagay nyo ay papasa sa aming hinihinging na kwalipikasyon, malugod po naming tatanggapin ang kanyang aplikasyon.
kung maaari po ay isumite ang inyong CV or bio-data (kalakip ang kopya ng pasaporte, lisensya at ng visa) sa [email protected]
Tatawagan po kaagad ang mga aplikante at kung papalarin, sila ay kukunin namin sa susunod na buwan.
Marami pong salamat.