Doha PE (a.k.a. Doha Phil Embassy)
Doha PE.. yan ang makikita nyo na tatak sa bawat dokumentong dumaan sa ating butihing embahada... Doha PE.. short cut daw ng Doha Phil Embassy. (mula sa chakapedia.com)
________________________________
I’m still hoping that this so called embassy will act and do their best to achieve their vision and mission in general.. ika nga anu ba talaga misyon nila dito, paki tingnan nga natin ulet at pagnilay nilayan ang kanilang mission-vision eklavu...
Ilan po ito sa mababasa natin sa website ng DFA (paki tandaan po na under ang lahat ng ating butihing embahada sa DFA)…
MISSION: “To advance the interests of the philippines and the filipino people in the world community.”
VISION: “Our missions abroad are the partners of Filipinos overseas in the pursuit of the national interest and in the promotion and protection of their rights and well-being.
...We have highly responsive system, which ensures effective delivery of services... (AGAIN EFFECTIVE DELIVERY OF SERVICES DAW)
...Our personnel are our greatest asset. We are committed to the personal, professional and career development of each employee... (AGAIN --- GREATEST ASSET IS THEIR PERSONNEL DAW..Committed to the professional development ha)
...In pursuit of our goals, we strive for and live by the principles of excellence, integrity and patriotism.”(AGAIN--- Excellence, integrity and patriotism)
________________________
so anu ngayon kung alam mo na ang mission-vision nila? may paki ka ba? sila kaya may paki...alam kaya nila yung mission-vision nila?
Napanaginipan ko kasi nung nakaraang araw...na maayos na ang sistema natin sa embahada... mabilis lahat...hindi na daw isang parang barangay hall ang systema... napansin nyo ko dati na ang filing records nila na nakapatong lang sa mga table, pati yung layout ng mga table nila sa loob.. na para kang nasa isang brgy hall sa bundok tralala... ay sobrang maganda na daw... kaso itoy isang panaginip lamang... pero pwedeng mangyari di ba?
____________________________
so anu ngayon?
I share mo ang iyong mga di makakalimutan na experience sa kung anu sa palagay mo ang hindi natutupad ng ating butihing embahada base sa nasabing mission-vision.
Ilan sa mga pwede nating maging guide questions:
1. madali ba mag processo ng documento sa kanila?
2. professional ba mga emplayado nila, lalo na dun sa naka assign pag mag parehistro ka ng baby or sa kasal?
3. sulit ka ba sa serbisyo nila?
4. nabibigyan ka ba ng tamang impormasyon sa mga gusto mong itanung?
Simple lang ang objective natin dito... ipaparating natin sa kinauukulan ang iyong mga hinaing.. upang ang ilan sa akin napanaginipan ko ay magkakatotoo..
Naniniwala pa rin ako sa himala!... ikaw naniniwala ka ba?
____________________________