DAHIL TAYO'Y PILIPINO
by Charice Pempengco and Billy Crawford
Dahil Tayo’y Filipino
Ang minimithing pangarap, hangarin mong makamtan,
Sa Amerika, Asya, Australia, Canada, Europa, Japan,
Ano mang pagsubok, haharapin, hanggang Gitnang Silangan,
O dakila ka Filipino, aking kababayan!
Marami man ang dumaang hadlang,
na dala ng panahon,
Madapa ka man, o masugatan, ikaw ay babangon,
Tibayan ang iyong loob, harapin ang mga hamon,
Tayo ay Filipino, nakatindig pa rin hanggang ngayon!
Filipino, Filipino, Tayo ay Filipino!
Filipino, Filipino, Tayo ay Filipino!
Kahit saan man dako, isigaw natin sa mundo!
Kaya natin ‘to, dahil tayo’y Filipino!
Ipakita mo ang ‘yong galing, at talino mong taglay,
Pananalig at dangal sa sarili, sa may Kapal ialay,
Tunay na ipagmamalaki, ang nakamit mong tagumpay,
At sa iyong pagbabalik, isang pagbating mabuhay!
Ipagpatuloy mo Kapamilya, kamtan ang hangad mo,
May karamay ka sa paglalakbay, ano man layo ng landas mo, ho!
Mula noon hanggang ngayon, hindo ka mag-iisa Filipino,
Dahil ang bawa’t tagumpay, sabay natin ipagdiwang ng buong todo!
http://www.facebook.com/ext/share.php?sid=107231161634&h=nAHyG&u=k2eG4&r...
MABUHAY TAYONG MGA PINOY! SAMA-SAMA NAGKAKAISA!