CBQ City Center Branch
Bwiset talaga ang CBQ, na-hb ako kgabi, umakyat ata ang dugo ko sa ulo...
Ang nangyari kasi nung saturday, nag-issue ako ng cheque sa account ng asawa ko at babaeng kabayan ang sa customer service ang nag-ayos ng transaction namin... sinabi pa nya " ako na personal na mag-aasikaso nito kasi wala akong tiwala sa ibang lahi"...syempre ako mas tiwala din naman ako sa kabayan... ayun! awa ng diyos bumalik ang tseke ko at hindi daw magtugma ang amount in words sa figures... nagtaka ko duon, kasi almost 4 yrs. na kong nag-iisue ng tseke, first time lang nangyari to sa akin.... at kung sakali mang fault ko yun, dapat dinouble check ni kabayan, hindi yung pasa na lang sya ng pasa...kakainis hassle kasi busy pa naman ako.
Ngayon, pinabalik ko ang asawa ko kagabi para kunin ang cheque, heto na naman kabayan na naman at lalaki naman wala pa daw sa branch ang cheque nasa central bank pa daw eh sabi sa kanya ng CBQ help line eh pwede ng kunin sa branch...eh di gigil ako ng tawagan ako ng asawa ko na hindi makukuha... ngaun kinausap ko ung lalaking customer service sa phone at tinanong bakit ganun, sabi ko hindi ba dapat dino-double check lahat bago i-submit, saka ang tagal pa naming kausap ung CS at sa harap pa mismo nya ako nag-fill up ng cheque eh hindi pala nya na-verify kung tama o mali...sagot ba naman sa akin eh "baka daw naduling daw or nalito"...TAMA BA NAMANG REASON UN!... inaamin kong medyo napataas ang boses ko, at sinabihan ako ng CS na ito na wag itaas ang boses ko at bigla nyang pinutol ang conversation namin, in short ibinalik ang cellphone sa asawa ko without closing our conversation....BASTOS DI BA!
Kung ibang lahi yung baka higit pa don ang ginawa ko sa bwisit buti kabayan sya...mamaya pupunta ko duon at gagawan ko ng customer complain ang dalawang kabayan na ito ng matuto, kasi for sure kung ibang lahi lalo na at lokal hindi nila gaganituhin, baka nginig pa ang tumbong sa pagaasikaso!... at mamaya duty duon ung babae na nag-ayos ng tseke.