BAWAL NA PAG-IBIG
1. Dear Dr. Love,
Ano po ang aking gagawin dahil hindi na ako makaalis sa ganitong sitwasyon... Ako po ay may-asawa at dalawang anak na nasa Pinas... kasalukuyan po akong nag wo work bilang secretary sa kumpanya. Dahil sa kulungkutan at pag-iisa at naghahanap ng kalinga ay na fall in love ako sa ka opisina kong may asawa at anak din. Mahal ko na sya at sya ay ganon din. Lagi rin kaming magkasama at masaya. Sayang naman ang aking kikitain kong mag re resign ako at babalik sa pinas... ano po ba dapat kong gawin?
Mrs. Margarita (d tunay na pangalan)
2. Dear Dr. Love,
Ako po ay isang dalagang nagtatrabaho dito sa isang malaking kumpanya sa Qatar. Nagkaroon po ako ngayon ng kasintahang may asawa at anak sa Pilipinas... marami syang pangako na kesyo hihiwalayan nya ang kanyang asawa at hanggang ngayon ay hindi nya ginagawa... Nagsasama kami at mahal ko rin sya... tama ba ang ginagawa ko?
Ms. Maria (d tunay na pangalan)
Bigyan po natin ng magandang advice ang mga babaing ito upang magkaroon ng linaw ang mga isipang dahil sa pag-ibig o pag-ibig bang matatawag ang kanilang mga ginagawa...