BAGONG MODUS. INGAT TAYO...
although the incident happen in KSA... pwede ring mangyari dito un... so sa lahat ng ating mga kababayan ingat lang po sa pagtulong at baka mabiktima rin tayo...
Nais ko lamang i-share sa inyo ang isang pangyayari na nawa maging kapulutan natin ng aral at maging silbing paalala sa atin habang nandito tayo sa Gitnang Silangan lalo na sa bansang ito.
Ito po ang story:
Meron po kaming kasamahan sa grupo na nagtatrabaho sa KIKA dun po sa Riyadh Gallery Mall (Geant Galleria). Minsan ay merong babaeng customer na nabitiwan nito ang kanyang bag at kumalat sa selling area ang mga gamit nito. Dahil po likas sa ating mga Pilipino na matulungin, nakita po ng kabayang ito at dagliang tinulungan ang babae. Pero di po alam ng kabayang ito na sa pag magandang loob niya ay magiging masalimoot ang magiging Pasko at Bagong Taon niya.
Dahil, pagkatapos niyang tinulungan ang babae, nag complain ito sa Customer Service na nawawala daw ang kanyang pera na worth SR3,500. at ang pinagbibintangan ay ang kawawang kabayan na nagmamagandang loob lamang.
Tumawag ng Security Guard, at nagkaroon ng investigation at sa maikling salita, ang suggestion sa kabayan ay bayaran na lang nag babae para daw di na magsuplong sa Police. At dahil sa laki ng amount compared sa suweldo ng kabayan ay humingi ito ng tulong sa mga kababayan natin at dagli-ang napunuan ang SR3,500.00 para wala ng problema. Ang lahat po ay nag-ambag ambag para malikum ang SR3,500.
Akala namin ay dito na magtatapos ang issue, pero kahapon aming pong nalaman na ang kabayan ay pauuwiin ng kumpanya nila dahil sa paratang na nagnakaw, at dahil sa mabilis na pagkabayad ng alleged nawawalang SR3,500 ay nagduda ng husto ang kanilang kumpanya na siya nga ang kumuha ng nawawalang pera daw ng babaeng customer.
Mahirap pong isipin kung anong merong ugali o katwiran ang mga taong ito. Malinaw na ang kabayan natin ay biktima ng panloloko at sa pagmagandang loob nito na tumulong ay naging cost ito ng kanyang trabaho dahil naging work termination ang reward niya.
Dahil dito, let us be reminded ng ating PDOS, na sa anumang pagkakataon kahit mabuti ang ating intention ay huwag tayong mag extend ng anumang tulong lalong lalo na sa mga katutubo o sa ibang lahi. Masama man ayon sa ating pananalig, paniniwala o kinagisnang kultura pero ito ay dapat nating gawin. Kaya po pag may nakita tayong nalaglag na gamit lalo na sa babae saang Mall o Shopping Center man hayaan natin sila.
At nawa itoʼy maging babala sa ating lahat.
Happy New Year po.