salamat ha, andun din ako sa punto na pageenganyo ko sa asawa ko, sabi ko baka magsisi sya sa bandang huli. Kaya ngayun hindi pa naman sigurado ang magiging desisyun ng asawa ko kasi hinihintay nya yung sagot galing naman sa kabila. Gusto pa rin naman ng asawa ko dito at hindi pa naman sarado ang puso nya kasi humingi rin sya ng advice sa mga kaibigan nya kaya lang ang sinasabi naman sa kanya ay hindi naman nya makikita dito yung inaaalok nila sa kabila. Pero salamat pa rin sa pagsagot mo fier kung ano man ang magiging desisyun nya malalaman mo rin dito. Naguguluhan ako sa totoo lang, kasi kung ikukumpara dito hindi kami makaipon, pero di ko talaga malaman kung ano ang dapat kong gawin.