welcome to QL!

let me try to answer ur tanong:

1. Normally 3 working days pero madaming mga bagong patakaran ngayon at sobrang mahigpit na din sila for security reasons kaya nadedelay, ngayon...depende rin sa lakas ng koneksyon ng kompanyang papasukan mo.

2. Ang blue visa ay walang pagkaiba sa work visa, un na un! pag inapply ka ng company mo ng work visa or visa from the immigration ang lalabas ay un approved visa na kulay blue(blue visa) at to be stamp on your passport after 3 months, yun na ang work visa mo na 1 year or depende. But within that period of 3 months you need to finish your medical exam and finger print.

3. Eklaro mo sa akin eto: yun bang business visa mo ay binili mo para pumunta dito or company hire ka from Pinas? kung binili mo un sa mga kontak dyan..kelangan mo talagang mag-exit at bumalik ng panibagong 3months bisnes visa(syempre gusto nila kumita ulit), exit ka lang ng bahrain at balik ka dito para hintayin mo ang labas ng work visa mo. PERO kung company hire ka pwede mo silang pakiusapan e-extend ang visa mo w/o exit.

Note: mas maigi mag-exit ka kesa magbayad ng penalty kasi QR500/day pag naexpired ang bisnes visa mo. Dont wory pray ka lang na lumabas na work visa mo ok?

Sana nakatulong ako. Good luck!