Dalamhati ng Isang Musmus

glassonion_06
By glassonion_06

Hindi mo ginusto ‘to. Pero sa sarili mo ay may nangyaring gulo. Walang nakakaalam, walang nakakarinig. Ayaw mong humingi ng tulong dahil alam mong wala ring makakatulong sayo. Isa ito sa mapaklang katotohanan sa buhay. Maaaring ngayon lang ito nangyari, pero alam mong maaari itong mangyari ulit, kahit kalian, kahit saan, kahit kanino.

Alam ba ng mga kamag-aral ko? Hindi siguro, dahil taimtim silang nagsusulat ng mga pangalan nila sa papel nang paulit-ulit. Alam ba ng katabi ko? Hindi siguro, dahil seryosong-seryoso ito sa pagkukulay ng mga ginuhit n’yang bahay, araw, at puno. Alam ba ni Madam? Hindi rin siguro, dahil abala ito sa pagbabantay sa iba mo pang mga kamag-aral. Walang nakakaalam ng kalagayan mo, ng paghihirap mo ngayon.

Hindi mo na kaya ang lahat, ayaw mo nang mag-isip, nais mo nang tapusin ang dusa at pasakit. Hindi mo na alintana kung kutyain ka ng kahit na sino man, tumigil lang ang pagtulo ng mga malalamig na butil ng pawis sa iyong katawan. At naisip mong. . .Ngayon na! Bigla mong inilabas ang sama ng loob. Ang demonyo sa iyong bituka. Ang walanghiyang pagkain na nagpupumiglas sa kaloob-looban mo. Lumipas ang ilang sandali. At doon nakahinga ka nang malalim, nang matiwasay. Tumigil na ang unos, payapa na ang kapaligiran. Ginusto mong ngumiti ngunit may nagbanta sa kasiyahan.

“Ambaho, ano ba ‘yon?!”

Isang kamag-aral ang nangahas na nagsabi ng katotohanan. Hindi mo alam kung sino, pero ninais mo s’yang isumpa. S’ya at ang kanyang malaking bunganga. Gusto mo s’yang pagbayarin sa ginawa n’yang kasalanan ngunit meron na namang humirit.

“May mabaho nga!!”

Huh?? Totoo ba ang narinig mo? Hindi lang isa ang traydor sa mga kaklase mo. May isa pa, at isa pa, at isa pa…dumarami sila. Hindi mo na alam ang gagawin mo. Bakit kailangan mangyari ang ganitong trahedya sa isang bata?

“Okay! Stand up, every body. We shall dance and sing!”

Hindi sila pinansin ni teacher, ligtas ka na, pero ano ‘tong gusto n’yang ipagawa? Paano ka tatayo? Paano mo ipagtatapat ang lahat? Umikot ang iyong mga mata, pumihit ang iyong ulo, pero wala sa paningin mo ang nanay mo, o si ate’t kuya, kanino ko hihingi ng saklolo?

Litong-lito ka na nang mapansin mong lahat ng kamag-aral mo ay nakatingin na sa’yo, pati si teacher. Ikaw na lang ang nakaupo. Lahat naghihintay na sa iyong pagtayo, mga matang nakatitig sa iyong mga mata. Tahimik ang buong klase, tibok ng puso mo lang ang tanging naririnig mo. Hindi mo alam kung ano pa meron ang buhay. Ayaw mo na sanang gumalaw, ngunit tinapos ng isang bata ang kalbaryo mo nang basagin n’ya ang katahimikan.

“Ay, teacher, tumae s’ya!!!”

Wala ka na ulit naalala.

Log in or register to post comments

More from Qatar Living

Qatar’s top beaches for water sports thrills

Qatar’s top beaches for water sports thrills

Let's dive into the best beaches in Qatar, where you can have a blast with water activities, sports and all around fun times.
Most Useful Apps In Qatar - Part Two

Most Useful Apps In Qatar - Part Two

This guide brings you the top apps that will simplify the use of government services in Qatar.
Most Useful Apps In Qatar - Part One

Most Useful Apps In Qatar - Part One

this guide presents the top must-have Qatar-based apps to help you navigate, dine, explore, access government services, and more in the country.
Winter is coming – Qatar’s seasonal adventures await!

Winter is coming – Qatar’s seasonal adventures await!

Qatar's winter months are brimming with unmissable experiences, from the AFC Asian Cup 2023 to the World Aquatics Championships Doha 2024 and a variety of outdoor adventures and cultural delights.
7 Days of Fun: One-Week Activity Plan for Kids

7 Days of Fun: One-Week Activity Plan for Kids

Stuck with a week-long holiday and bored kids? We've got a one week activity plan for fun, learning, and lasting memories.
Wallet-friendly Mango Sticky Rice restaurants that are delightful on a budget

Wallet-friendly Mango Sticky Rice restaurants that are delightful on a budget

Fasten your seatbelts and get ready for a sweet escape into the world of budget-friendly Mango Sticky Rice that's sure to satisfy both your cravings and your budget!
Places to enjoy Mango Sticky Rice in  high-end elegance

Places to enjoy Mango Sticky Rice in high-end elegance

Delve into a world of culinary luxury as we explore the upmarket hotels and fine dining restaurants serving exquisite Mango Sticky Rice.
Where to celebrate World Vegan Day in Qatar

Where to celebrate World Vegan Day in Qatar

Celebrate World Vegan Day with our list of vegan food outlets offering an array of delectable options, spanning from colorful salads to savory shawarma and indulgent desserts.