Mapapatawad ko kaya??

Isang malaking bangungot....sana di na lang ako nagtrabaho abroad. Pagsisi nga ba ito?
Kasalukayan akong napadpad sa isang magandang company dito sa Qatar. Tatlong taon na ako ditong nghihirap mapalayo sa pamilya, panay din ang aking overtime para lang matustusan ang pangangailangan ng aking mahal sa buhay sa Pinas.
Nagkaroon ako ng constant chatmate at napalagay ang loob ko sa kanya. Isa lang kasing itong diversion sa pangungulila. Nahulog ang aking loob at sobrang nawindang sa atensyon na binigay sa akin.Di ko naman pinabayaan ang aking pamilya.
Nasilip noon ng aking asawa ang aking email account at na capture nya ang isang email message na naglalaman ng sweet messages. Panay ang away ng aking asawa sa ebidensyang kanyang nakita.Di nya ako tinantanan.She accused me of so many things ive not done.
Ayaw kong mawala ang pamilya ko sa buhay ko. Nagpasya akong kunin ang aking asawa dito. Pero ang malungkot...nagkaroon ng malaking comprontasyon ... masasaya ang aming unang mga araw. Pero sadya yatang lalabas at lalabas ang katotohanan.
May inamin ang aking asawa na sya ay nagkaroon ng isang illicit relasyon sa EVP(boss nya dati) ng isang company sa Manila , sa dahilang nagrebelde sya sa kanyang nakita sa email ko at dahil na din sa kulang na attensyon na aking binigay. Ang relasyon nila ay nangyari almost a year na andito ako sa Doha. Tipong ginawa daw nya yun dahil sa curiosity( yung tipong alang nakaalam na iba kundi lang sila) at nawindang din sa atensyon na binigay sa kanya.
Ako'y NAGUGULUHAN SA NGAYON.Nag sorry siya. Nag iyakan kami. Pero blanko ang aking isip.....di ko sukat mawari na nagawa nya yun sa akin. May dalawa kaming mga anak na kasama nya sa Manila at sila ang nagbibigay ng kaligayan sa amin. Ayaw namin masaktan ang mga bata pero sa nangyari sa amin....mahirap makalimutan. Mag sasampung taon kasal pa naman kami nitong January pero di ko alam kung mapapatawad ko siya. Nandidiri ako sa kanya sa ginawa nya. Gusto ko siyang saktan pero para saan pa?
Sa mga taong magbibigay ng advise salamat po. Babalik na siya sa |Pinas sa sunod na buwan di ko ata kaya na patagalin pa siya sa dito.
MODS REMINDER: ENGLISH ONLY IN THE MAIN FORUM
Kabayan, tandaan nyo na ang isang pagkakamali ay hindi maitutuwid ng isa pang pagkakamali. Ang pagsisisi ay laging nasa huli at ang lahat ng ating ginagawa na hindi maganda ay may kapalit. Tanungin nyo muna ang isa't-isa kung ano ang nararamdaman nyo? Kung mhal nyo pa ba ang isa't-isa? Or magsasama lang kayo dahil sa bata at responsibilidad? Kung mahal nyo pa ang isa't-isa ay ayusin at magpatawaran ko. Mas mganda ay magsimula ulit kayo ng magkasma upang ang lahat ng temptasyon sa buhay ay malampasan nyo. Giving time to each other and renew all the things that was lost. Kausapin nyo ang isa't-isa at kung mas maganda na hindi na kayo magkalayo at magkahiwalay ay gawin nyo. Tandaan nyo na ang temptasyon ay nasa paligid lang natin at tayo ang lalayo dito. Wag nyong hayaang makapasok ito upang wag kayong magka problema. Renew all your vows and promises with GOD and remember the day of your wedding.
Kabayan minsan ay may mga bagay na di natin inaasahan na nangyayari sa buhay natin. Ang masasabi ko lang sa kabila ng kusa niyang pag amin sa yo ay sigurado ako na nagsisisi na nga siya sa nagawa niya. Sa mga sandaling nagkasama kayo dito sa Doha doon marahil ay nakita niya ang iyong dakilang pagmamahal kaya nahihiya siya sa yo kaya marahil ay hindi na niya maatim na ilihim pa ito sa yo. Kung pag iisipan mong mabuti kung di mo siya patatawarin tuluyan lang na masisira ang inyong pamilya. Subalit kung bibigyan mo pa siya ng pagkakataon, asahan mong mas higit ka niyang mamahalin ngayon dahil sa lahat ng kanyang mga pagkukulang sa yo. Sana ay huwag mo ng hayaan na magkalayo pa kayo. Marami pang mangyayaring masasayang bagay sa buhay ninyo lalo na sa mga anak ninyo. Huwag mo sanang hayaan na mawala ito sa inyo dahil lang sa pagkakamali na alam mo namang na pinagsisisihan na niya. Sa yo pa rin ang huling desisyon pero sana ay subukan mo ring idulog sa Diyos ang iyong situwasyon dahil Siya lang tanging makapagbibigay sa yo ng tamang desisyon.
Tawanan nyo n lang ganyang problema..
visit mo tong site www.kapatirangpinoy.com/forum.html at open mo ang Mga Kwentong Barbero may mga joke challenges jan kaya surely mapapatawa ka at magiging masaya araw mo.
Oftentimes yun ang nangyayari when we are away... Consequence na rin siguro ng pagiging malayo...
Madalas ang kalungkutan, homesick atbp...Siguro the best thing to do is to think things over.. I assume she forgives you for what you have done, siguro try to think forgiving her also and start a new... Goodluck!
English Please.....!
Alam mo kabayan may katulad ang iyong karanasan sa isa naming kasama dati sa accomodation sana d ikaw yun,pero ang maipapayo ko lang sayo pag isipan nyo at pag usapan lahat ang dapat at d dapat kasi d kayo ang kawawang dalawa, kondi ang mga anak nyo may mga anak din ako na katulad mo pero d naman kami magulo pagdating sa pagsasama naming mag asawa.ang kawawa lagi ang ating mga anak kaya dumadami ang mga batang d maganda ang nangyayari sa buhay pagnakita nila na magulo ang kanilang magulang.kaya sana maging tama ang desisyun nyo sa buhay,lumapit ka sa dyos siya lang makakapagbigay liwanag sa mga desisyun mo.GODBLESS.....
you are not alone. so is she. pag umuwi cya natural..tuloy ang ligaya..tuloy din ang sweet messages nyo nung isa.
http://www.qatarliving.com/node/760609... please check this link mga kabayan.
Thank you
botheredhubby.... i will post your article at filex....so you could have more comments...and since this is main forum it must be in english.
hope someone could help you there
yeah,,,mobix is right,after all your doing it yourself as you said so,and maybe if your chatmate is also in doha you'll grab the chance yourself,what you feel is no diffrence with your wife feelings,just learn to forgive and forget,it will take time but it will happen in GOD's will,,goodluck,,
English in the main forum. If you still want/need to post in you own language please refer to the appropriate group in QL. In this case in the FILEX group.
http://www.qatarliving.com/group/filipino-expatriates-in-qatar
Regards!!
kabayan,sorry sa nangyari sa'yo,pero kung sa akin man mangyari yan,tapos ng lahat sa amin,aminin mo man o hindi nasaktan ka sa ginawa niya,at talagang masakit iyan,kahit kalimutan mo yan sa ngayon,darating pa din ang time na maaalala mo yan,mahirap itago ang katotohanang niloko ka niya,patawarin mo siya,yan ang una mong dapat gawin,pero ang paki samahan mo pa siyang muli,nasa sa iyo na yan,pag isipan mong mabuti yan,ikaw na din nagsabi nangdidiri kana sa kanya.nasa sa'yo pa din ang huling desisyon,PATAWARIN mo siya,yan ang dapat mong gawin,pero ang paki samahan mo pa siyang muli,tsk tsk tsk,desisyon mo na yan.magdasal ka,humingi ka sa KANYA ng tulong at gabay..
kabayan,di ko man na-experience ang ngyari sayo pro naiintindihan kita kung naguguluhan ka.siguro minsan may nagagawa tayong desisyon sa buhay natin na minsan d n ntin naiisip maaring kahihinatnan nito at sa bandang huli dun tayo magsisisi.ang tanging magagawa n lang natin is matuto sa mga pagkakamali natin.kayong mg-asawa lang din ang mkakagawa ng solusyon sa problema nyo.kung sa tingin mo na d mo na kaya pakisamahan cya,humingi ka muna ng space pro hanggat kaya mo mgpatawad,bigyan mo p cya ng isang chance tutal me pagkakamali ka din nmn.dapat isaalang-alang nyo din ang mga anak nyo d lang ang pansarili mong nararamdaman.pag-isipan mo mabuti kabayan at magdasal.lahat ng problema me solusyon..sana tama ang mging decisyon mo.