A Sweet Valentine Delight from my Kitchen
Minsan tayong mga pinoy naooverdramatized kung papano gagawin at maghanda ng kahit napakasimpleng lutuin at lalo pang pinapahirap ang pagluluto kahit hindi naman. Mas lalo pa tayong walang ganang gumawa lalo pat sa mga mamahaling restoran lamang ito matitikman kasi cguro sa isip natin mahal, wlang sangkap at well-seasoned chef lamang ang nakakagawa.
Pero dahil espesyal na araw ang katorse, kagabi sinubukan kong gumawa at heto... try try lang...
Ang Panna Cotta ay napakadaling ihanda at kung maaaksaya mo ang lampas sa limang minuto para ihanda ito, nagluluto ka ng hindi tama. Ginawa ko na rin ito noon-noon pa pero di ko narealized kung gaano nga ba talaga kadali gawin hanggang sa naikwento sa akin ang mas pinasimple at mas pinabilis na paraan nang ang Ate ko ang nagsabi kung papano ang mga italiano magluto nito.
Pagkatapos naming maghapunan, walang kahirap hirap na niluwa sa plato ang ni-chill na panna cotta galing sa moldehan at instant --- meron na kaming dessert.