What if ur mother is like this?
Ayon sa kwento ng kaOpismate ko...
NakaUgali na ng mom nya ang magpatira ng kanilang mga kamag-anakan sa bahay. At syempre natural na sagot nila ang lahat ng expenses ng mga ito tulad ng food, kuryente, at water etc. Ok lang sana, if marunong silang tumulong kaya lang ang source lahat of income ng family nya at present is sya lang. (deadbol na father nya)
Wala work ang mom nya as in umaasa lang ito ngayon sa kanya since sya ang panganay. Pagtinanong nya if when uuwi ung mga "BISITA" nila ang laging sagot malapit na... At ang update, ayon sa bunso nila andun daw ang pinsan nila at almost 2 weeks na daw dun. Kaya super call sya kanina sa mom nya to check if this true ayun trulala nga at again babakasyon lang daw!
Madalas din daw magtxt sa kanya ang bunso nyang kapatid na naiinis sa mga kamag-anak nila. Di daw bale if ung tipong nagbabakasyon lang but halos tumira sa kanila ng 1 yr at walang work un ha as in nakaasa sa kanila as in bakasyon grande din! Nakakainis din daw ung pagkuha nila ng personal na paggamit ng di man lang magpaalam. Kinausap na daw nya ang mom nya re this but lagi na lang sinasabi sa kanya na "if kaya mong tumulong bakit hindi pasalamat ka pa nga at kaw ang nagbibigay". Ung buhay pa daw ang dad nya madalas di daw pagtalunan ng dad & mom nya ang situation nila sa bahay. Ok lang daw sana if minsan lang but di nga daw kasi halos andun na silang lahat at dun na rin tumira (na kunyari e nagbabakasyon lang).
Thinking na sya lang ang nagwowork for her family tapos bukod sa kanila may iba pang tao na humahati sa kunting naibibigay nya kahit naman cguro sino maiinis din diba? Di daw bale sana if marunong din silang makisama...
Hays, ang mom ba nya e super bait or what. But sana man lang isipin ng mom nya muna ang sarili nitong pamilya bago ang iba...
==============================================
Actually mix emotions ako habang nagkwekwento sya. Awa para sa kanya na nagpapakapagod at tinitiis ung hirap at lungkot na mawalay sa pamilya nya para lang makatulong at inis para sa mga kamag-anak nyang di marunong mahiya.
But syempre di ko alam if ano bang purpose ng mom nya at ganun ang ginagawa nito na parang gusto ng ampunin ang lahat ng kamag-anak nila or sadya lang bang gustong tumulong...
Hay buhay talaga....
If kayo nasa ganitong situation anong gagawin nyo?
Ay ang haba ng kwento but pramis maikli lang yan nung nagchichikahan kami 2! hahahahaha!