Wet Scene
Matanong nga kayo, ilang minuto ba ang ginugugol nyo sa pagliligo? Ako kasi 30 minutes kaya minsan nagrereklamo ang mga kasambahay ko, hehhee.. Kahit late na ako, 30 minutes pa rin ako at take note ha, pagliligo lang ang ginagawa ko as in shampoo-conditioner-sabon sa katawan.(Kung may iniisip kayong iba, hwag nang i-post at baka ma-censor tayo, nyeheheh)
Sabi ng mga kaibigan ko, kaya raw nilang maligo ng 3 minutes, sabi ko sa kanila kaya ko ang 3 minutes kung may nuclear explosion! Once may warning, dali-dali akong tatakbo sa shower at maligo. Bahala nang magkagutay-gutay basta mabango! hehehe..
O kayo, ilang minuto?
0 comments