Visa cancelled due to health problems
Sino po sa inyo ang nagkaroon na ng katrabaho na nacancel dahil hndi nakapasa sa medical dito sa doha?
Nais ko lang po ishare sa inyo ang naging karanasan ng isa sa mga kasamahan ko s trabaho na di na naipagpatuloy ang pagtatrabaho dito kasi napag-alamang may karamdamang dinadala. (di ko na lang po i-specific kung anong karamdaman un).
Bale 3 linggo lang po ang itinagal ni kabayan dito sa qatar dahil nga po bagsak sya sa medical. ang ipinagtataka lang po namin eh papanong nakapasa sya sa medical dun sa pilipinas at authenticated pa ng qatar embassy dun sa pinas. Sino po ang dapat na managot dito ung agency or ung medical firms sa pinas na nag-issue ng medical report nia? which is malinaw na malinaw sa nsabing report na "Fit to Work sya". Umabot po sa apat na beses ang pagpapamedical nia dito pero lhat po eh failed ang naging resulta. Ganun po ba kababa ang kaledad ng medikal sa atin at di na-detect un? Pasensya na po sa tanong. Nagtataka lang po ako kung papano nakalusot un.
Sinabi ng employer namin na sisingilin nila ang lahat ng nagastos magmula sa visa hanggang sa ticket sa agency na inaplayan nia. Nararapat po ba un? Or base sa kung ano ung nkasaad sa contract between agency and employer.
Pero ang concern ko po dito eh, mababawi pa po kaya ni Kabayan ung ibinayad nia na placement fee? Naaawa lang po kami sa kinahinatnan nia dahil pamilyadong tao. Kung sasangguni po sya sa sangay ng ating gobyerno ano nmn po kya ang tulong na knilang maibibigay...