Umamin sa Kasalanan
Magsilbing babala sana ito sa mga kababayan natin lalo na yung mga nagmamaneho.
May isa kasi akong kasamahan na ibang lahi na may nakabanggaan na katutubo.
Nagkabintangan kung sino ang may kasalanan hanggang sa mag-sampa ng demanda ang katutubo.
Ayun matapos ang 5 buwan na hearing ay napatunayan na siya ang may sala at nahatulan ng isang buwan at kalahati na pagkakakulong. Hati pa sila ng insurance sa danyos at gumastos pa siya ng 12K QAR sa abugado.
Mabuti na lang at mabait din ang kumpanya namin at kinuha na lang sa paid leave ang mga araw na nakulong siya. Naging isang buwan na lang din ang sintensya sa petisyon na rin ng lokal kasi ipapagawa naman daw ang sasakyan.
Nitong Linggo pumasok na siya ulit. Pero wala na siyang leave ngayong taon.
Kaya kung tayo na lang rin naman ang may sala, mas mabuti pa na umamin na lang at huwag ng ipaglaban bawas gastos na at iwas kulong pa.