Ugaling Pinoy
Mga tinatagong Gamit, Di Ginagamit. Tinatago ng husto.
Mga Plato, Kutsara, Tinidor at Baso
Pero pag may Bisita ini Lalabas lahat ito at Pinagagamit.
Yan ang Pinoy The Best!
Nagluluto ng Special na Ulam pag may Bisita.
Tapos pag Titikman ng Kapatid, Anak or Apo
Biglang tatapikin ang Kamay at Sasabihin,
Wag mong Kainin yan, sa Bisita yan.
At eto pa ang aking Pahabol
Isang Araw di Sinasadyang may dumating na Bisita.
Dahil biglaan, Walang nai handang ulam si Nanay para sa Bisita. Kaya yung Special na Ulam na niluto ni Nanay, yun ang Ipapakain sa Bisita. Paborito ko pa naman yon, Inihaw na Bangus.
Sabi ko kay Nanay, Nay Bakit yan? di ba Ulam natin yan ngayon?
Sumagot naman si Nanay sa akin, Sabi nya
Nanay: Wag kng mag alala anak, di naman nila siguradong mauubos yan. sigurado yung kabila lang ng bangus ang kakainin nila
Kaya yung natitirang kabila, yun ang Uulamin natin.
Nakamasid ako sa Bisita habang sila ay kumakain, Sarap ng kain nila. halos paubos na yung Kabila ng Bangus, takam na takam ako at biglang nagutom. di ko namalayan na binabaligtad na yung Bangus.
Sumigaw akong bigla at ang Sabi ko, Nay Binaligtad na!!!
Patay wala na kaming Ulam ni Nanay!
Bakit nga ba Laging Special ang Bisita?