TUESDAY THINGY na naman, nasaan na kayo?
isa sa mga kinasasabikan kong araw para makita't makasama ang mga kapatid natin sa FILEX. Bumato at makipagtawanan sa saya ng araw na ito at makilala ang mga bago nating ka miyembro.
Naalala ko pa noon nung baguhan pa lang kami, ang dami nila, ang sasaya, halos mapuno ang lima o walong hanay ng batuhan, mga first timer na gusto bumato hanggang sa mawili. Mga bago nating ka miyembro na nakaupo lang at nakikiramdam hanggang sa mapalagay sila sa init ng pagtanggap ng mga datihang ka FILEX. At sa pagtatapos ng gabi ay magkasama sama pa rin sa isang simpleng salo salo. Pero ngayon, nasaan na sila? bakit wala na ang ingay at kulitan na di tulad noon? puro mga naglalaro na lang ang nandun at di na tulad ng dati.
Sana makasama namin muli kayo at muli tayong magkulitan :p
Welcome po TAYONG lahat sa FILEX :P