TRICK TO DISGUISE SOME SPIRITS
Pumaimbabaw na ang kalamigan ng Qatar...
at unti unting niyayakap ng init ang bawat sulok ng syudad... sa mga ganitong panahon... ay panahon na rin ng pagsisilabasan ng mga alimasag sa kanilang lungga... pagsisilabasan ng mga matatabang pusit sa mabuhanging baybaying dagat... sarap magcrabbing at mag-ihaw ihaw...
swak na swak rin ang magmasid ng pagsikat ng araw
sa bulubunduking dunes ng sealine..
ang maglakad lakad sa tabing baybay...
ang magtawanan at maghabulan kasama ng mga kaibigan...
cyempre kung may kainan, di mawawala ang inuman...
Ngayon, dahil alam naman natin na ang inumin ay
mahigpit na ipinagbabawal sa labas ng bahay...
heto ang ilang paraan para maenjoy ang inyong outing...
MGA SANGKAP:
1 PIRASO PAKWAN
-prefer ang sugar baby variety, ung bilog at kulay duhat at tumitimbang lamang ng di sosobra sa 4 na kilo bawat isa
1 MALAKING STERILIZED(NEW) RINGGILYA
-mabibili eto sa mga pharmacy stores
1 BOTELYA ng FAVE NINYONG ESPIRITU SANTO(ANITO)
PAANO?
RULE: tandaan ang ratio ng anito at nang laki ng pakwan.
kung 4 na kilong pakwan, iturok lamang ang mga 400ml na likido ng anito. kung gusto nyo ng mas milder ang epek. pwedeng 200ml lang ang iturok.
1> sipsipin ng ringgilya ang laman ng anito,
2> iturok ang isang dosage ng ringgilya sa palibot ng pakwan at i-discharge. umpisahan sa parteng ulo at gawing paulit ulit sa distancyang mga apat na pulgada ang distancya bawat turok hanggang sa malibot ito.
3> ilagay sa loob ng refrigerator ang pakwan hanggang sa tuluyang mapalamig ang kaloob-looban nito...
4> iwanan ang botelya, wag kalimutan ang pakwan...
pagdating sa beach, hiwain ang pakwan at kainin...
who cares the world?
WARNING! HWAG NA HWAG KUMAIN NG PAKWAN AT MAGDRAYB!!!