TH o tamang hinala nga lang ba?
![Glorya](https://files.qatarliving.com/styles/60x60/s3/2441_3605811.jpg?itok=gdloB9J8)
bandang alas otso ng umaga ito kung saan oras ito ng aking pasok lumabas ako ng aming kwarto pero habang palabas ako ng gate namen sa aking tinutuluyan bahay ay tumigil ang isang pick up na may lulan na limang lalaki may tatak pa ang kanilang sasakyan na pagkakilanlan sa gilid na di ko muna sasabihin pero hindi ko natandaan ang plate number... pagsarado ko ng gate namen ay agad ako sinabihan ng isang lalake kabababa pa lang ng pick up na buksan ko daw ang gate at kelangan daw nilang ayusin ang mga tubo ng tubig namen....sa aking pagkabigla sinagot ko ang lalaki na bakit ko kelangan buksan ang gate kung may aayusin kayo sa bahay ay tawagan nyo ang taong nagpapunta senyo.. (pero wala naman silang binanggit na pangalan ngunit ang isa ay nagpupumilit na tumawag daw ako sa pwedeng magbukas ng gate )sabi ko ay sorry sabi ko i have to go im late pero habang palayo ako ng aming bahay ay kinakalampag nila ang gate. ewan ko kung may magbukas ng gate sa totoo lang halos lahat ng nakatira samen bahay ay may kanya kanyang susi sa gate at isipan pa nga nagsipasukan na sa kani kanilang mga trabaho pati na ang landlord.kung mayroon natitira doon sa villa namen ay ang 2 mag ina nasa likod bahay lang .at kung mabubuksan ang main gate pag nakapasok ang mga ito walang kahirap hirap kasi bukas lang ang main door at ang kusina sa likod. kung manyari ito madali nila mapapasok ang bawat kwarto isipin pang madaming partition sa villa tinutuluyan namen so madami makukulimbat sorry TH o tamang hinala ako pero ayon nga hindi ko na alam ang sumunod na pangyayari. pero hindi mawala sa isip ko ito kaya habang naglalakad ako papuntang bus stop isip ako ng isip agad ako bumili ng load para tawagan ang asawa ko at ipaalam ang pangyayari ito sabi nya tatawagan nya may ari ng bahay. at tinawagan nga nya sabi ng landlord namen ay wala daw siya pinadalang tao parang magkumpuni ng kung ano sa bahay namen at naisip ko rin kung meron man ipapagawa ang landlord namen ay itataon nya biyernes ang pagpapagawa nito..
hanggang ngayon ay hindi ko alam kung ano na ang pangyayari sa bahay namen.. ano nga kaya ito sa palagay nyo? nagkamali lang ba ang mga taong ito sa pagpunta sa bahay namen o isa ito ek ek nila o modus....ayaw ko mangbintang pero natakot ako... at alam naman naten lahat na laganap ang pangloloob ng bahay sa ating mga kapwa filipino.
Isipan rin na ang kwarto namen(ay nsa labas ng villa) at ito kalapit lang ng gate. pag uwe ko pa ng gabi malalaman kung ano ang tunay ... nakaka alarma lang para saken hindi naman sa madami makukulimbat sa akin, sa amin mga kasamahan. nag alala rin ako na laganap na rin ito talaga sa qatar ang mga ganito TH nga lang sana ako hay jusko baka mkuha ang laptop(na lumang luma na lols) at ang aking mga pang uwe pasalubong lols...