TFC Disconnection Complain
Kabayan, Gusto ko lang ibahagi sa inyo ang karanasan ko sa TFC service d2 sa Qatar. Hindi ko intensyon sirain ang ABS CBN or TFC d2 sa Qatar. Bagkus sana ay hindi ito mangyari sa inyo..
Last March 12,2008 nerenew ko ang TFC subscription for 1 year, Doon sa dating opisina nila d2 sa Qatar bandang Al Nasser area. Inusyuhan ako ng resibo pero napansin ko imbes na after 1 year ang expiration eh naging 10 months which is January 31,2009. Inamin naman ng nagisyu ng resibo ang kanyang pagkakamali at meron isang tao sa kanilang opisina nagsabing wala problema at magagawan agad nila ng paraan. Sa resibo lang naman nakalagay yung expiration date pero sa system nila eh agad na mababago. Umasa naman ako at lalo na sa salitang binitawan ng taong kausap ko eh talagang makukumbinse kayo..dahil pagkapasok ko kasi sa opisina nila eh nakita ko agad ang taong ito...at mapapansin mo agad sya dahil sya lang ang naninigarilyo sa loob ng opisina na kulob na kulob dahil ito ay naka aircon...hindi ko na nga pinapasok ang asawa ko dahil halos di ka talaga mamakatagal sa loob dahil sa kapal ng usok...kahit ibang mga customer ay narereklamo kaso ewan ko ba bakit hindi nakakalahata si kabayan dahil obvious na sya lang ang naninigarilyo dun...pagkatapos ko magbayad eh nalaman ko na sya pala ang pinaka in charge doon sa opisina ..kaya nga siguro hindi sya masita...at dahil nalaman ko sya ang nakakataas doon sa loob ,at sya nagassure sa akin na maayos yung subscription na imbes 10 buwan eh 1 taon ito maeexpire, tiyak maayos ito agad... Makalipas ang ilang buwan naglaunch sila d2 sa qatar ng Expo exhibition...kaya sumadya ako sa bago nilang opisina ...d2 sa may Bin Omran....pagkatapos ko bumili ng tiket para sa Expo eh naalala ko lang na kung puede tignan kung nabago na yung date of expiration ng subscription ko...at nalaman ko na hindi pala ito napalitan...agad naman meron tinawagan si kabayan at sinabi ng kasaup nya na agad din na mapapalitan yun...ng tanungin ko sino yung kausap nya eh...yun pala uling In-charge ang nakausap nya...yun pala yung taong nakausap ko na sinabing sa resibo lang yan at mapapalitan din natin agad sa system...sa pagkakataon yun eh naisip ko dahil 2 beses ko na itong naipagbigay alam...at makikita naman talaga sa system ang pagkakamali ...at tiyak maayos n ito... At kagabi January 31,2009 eh bigla na lang nawala ang aming connection...sabi ko baka meron minor problemang network...at dahil matutulog n ako eh hindi ko inintay magkaconnection ulit...Ngayon gabi pagkagaling ko sa opisina eh agad ko binuksan ang decoder at ganun pa din...kaya tumawag agad ako sa opisina nila..doon ay nakausap ko yung babaeng nakausap ko noon bumili ako ng tiket para sa Expo at sya din yung babae na kumausap doon sa In charge nila...tinignan nya sa system na kahapon,January 31,2009 ang expiration ng aking subscription...agad naman ako natandaan nung babae sa kabilang linya at eto nga ang reklamo ko...
Ngayon... sino ba ang meron pagkakamali???Ang subscriber ba? dahil hindi nia sinugurado na napalitan yung date of subscription noon...o baka yung system ng nila dahil hindi agad nag update??? O baka naman yung taong naguupdate...o yung mismong In-charge nila..na sinasabing gagawan agad ng paraan ??? Siguro naman eh meron silang protocol sa mga subscriber na nagexpire ang subscription?? Hindi yung agadan nilang pinuputulan ito ng walang notice?? Paano na sa mga subscriber na nagbabayad ng yearly basis...meron naman siguro silang karapatan na bigyan ng notice kung mageexpire na ang subscription? Hindi yun agad agad nila na puputulan at kung hindi pa tatawagan eh hindi namin malalaman na naputulan na talaga sila...
Katatawag ko lang 2 hours ago sa kanilang opisina sa reklamo kong ito at sinabing..mabilis lang daw mababalik ang linya..at ieemail lang sa dubai...ngunit lumipas ang 3 oras eh wala pa din lumalabas sa screen..kaya napilitan ulit ako tumawag.. meron ulit ako nakausap na ibang tao at sinabi ko ulit ang aking reklamo at sinabing kokontakin ulit nia ang opsina nila sa dubai...at 8:10pm nakreceive ako ng tawag... ang tanging sinabi eh hindi din daw maibabalik ang linya sa dahilan wala daw yung tao na magaaprove..
Sa bilis nila magputol ng linya na kahit 10pm ng gabi eh ganun naman katagal ang pagbalik ng linya . Umaasa n lang ako na bukas eh meron n ulit akong mapanood.
Minsan eh mahirap talagang umasa lang sa salita lalo na sa taong kulang sa gawa.. at alam natin na ang ABS CBN eh hindi ganun ang kanilang vision...meron nga tayong kasabihan na "Ang sakit ng kalingkingan damdamin ng buong katawan"....
TFC Subscriber from Qatar...