Tayo'y magluto

Nahi jack na yung sago't gulaman thread at napunta sa cooking Lesson.At syempre pa ay nangunguna na ang original pasaway na si nep dahil gusto nya ay ora orada na sa wednesday sa kanyang kusina.Akala siguro ganun kadali gumawa ng puto at isang salangan lang yon.
Oo,pwede 2 oras .subalit ilan lang magagawa mo at tama lang pangkain at tyak ay di na aabutin ng anniversary.
Ganito natin gagawin ang cooking demo.Mag groupings tayo at yung grupo ay may naka assign na lulutuin with tips sa mga participants.kanyang kanyang palengke ang bawat grupo.ilista lang lahat ng nagastos dahil lahat ng nagastos ay paghahatian natin. Para lahat ay pantay pantay ang gastos.
Walang mga taga tikim or critic dahil lahat ay magpaparticipate.
Complete course ang ating ihahanda
1. main course/ulam
2. dessert
3. salad
4. drinks
5. appetizer
Kung okay sa inyo ay pag usapan na natin kung anu ano lulutuin,saan ,kailan at groupings..