sobrang tagal magpasahod
mag tatalong taon na po kame dito sa qatar kasama ang aking asawa, tatlong chikiting at ang kanilang yaya. namamasukan po ako sa isang pribadong kumpanya sa industrial area at nakakalungkot pong sabihin na ATM po ang aming sahod. sa madaling salita AFTER TWO OR THREE MONTHS. hirap na hirap pong mag budget ng pera lalong lalo na ngayong magpa pasko. tatlong buwan na rin akong di makapag padala ng maayos sa pinas at buwan buwan din bumabaon sa utang. minsan ay dinadaan na lang sa tawa ang problema, gusto na rin po namin bumalik ng pinas ngunit wala pa rin ipon hanggang ngayon. gusto na rin po mag resign at mamasukan sa ibang kumpanya ngunit di alam kung ako'y bigyan ng release ng amo. ano po kaya ang magandang gawin? meron pa po kaya pag asa makalipat sa ibang kumpanya? merry x'mas po sa lahat!