Sa Aking Pagtanda
Sa aking pagtanda
by: Father Ariel F. Robles
sa aking pagtanda unawain mo sana ako,at pagpasensyahan.
kapag dala ng kalabuan ng mata ay nakabasag ako ng pinggan o nakatapon ng sabaw sa hapag kainan,huwag mo sana akong kagagalitan.Maramdamin ang isang matanda.Nagseself pity ako pag sinisigawan mo ako.kapag mahina na ang tainga ko at hindi ko maintndihgan ang sinasabi mo, huwag mo nman sana ako sabihan ng ""bingi,pakiulit nalang ang sinabi mo o pakisulat nalang.Pasensya ka na anak,matanda na talaga ako.kapag mahina na tuhod ko,pagtiyagaan mo sana akong tulungang tumayo at lumayo, katulad ng pagaalalay ko sayo noong ikaw ay nag-aaral pa lamang lumakad.pagpasensyahan mo sana ako kung ako man ay angiging makulit at pulit-ulit na parang sirang plaka.basta pakinggan mo nalang ako.huwag mo sana akong pagtatawanan o pagsasawaang pakinggan.
Natatandaan mo anak noong bata ka pa?kapag gusto mo ng lobo paulit ulit m iyong sasabihi,maghapon kang nangungulit hangga't hindi mo nakukuha ang gus2 mo.pinag
tiyagaan ko ang kakulitan mo.pagpasensyahan mo narin sana ang aking amoy.amoy matanda,amoy lupa.
huwag mo sana akong piliying maligo,mahina na ang katawan ko.madaling magkasakit kapag nalamigan.huwag mo sana akong pandirihan.
natatandaan mo nong bata ka pa?pinagtitiyagaan kitang habolin sa ilallim ng kama kapag ayaw mong maligo.
pagpasensyahan mo sana kung ako ay laging masungit,dala na ito marahil ng aking katandaan.pagtanda mo maiintindihgan mo rin.
kapag may konti kang panahon magkuwentohan naman tayo klahit na konting sandali lang.inip na ako sa bahay,magahpong nag-iisa,walang kausap.alam kong busy ka sa trabaho,subalit nais kong malaman mo na sabik na sabik na akong makakuwentuhan ka.kahit alam kong hindi ka interesado sa mga kuwento ko.natatandaan mo anak noong bata ka pa?pinagtitiyagaan kong intindihin ang pautal utal mong kuwento tungkol sa iyong teddy bear.at kapag dumating ang sandali na koý magkasakit at maratay sa banig ng karamdaman.huwag mo sana akong pagsawaang alagaan.pagpasensyahan mo sana kung ako man ay maihi o madumi sa higaan.
pagtiyagaan mo sana akong alagaan sa mga huling sandali ng aking buhay.tutal hindi na naman ako magtatagal.kapag dumating ang sandali ng aking pagpanaw,hawakan mo sana ang aking kamay at bigyan ng lakas ng loob na harapin ang kamatayan.at huwag kang magalala,kapag kaharap ko na ang Diyos na lumikha,ibubulong ko sa kanya na pagpalain ka sana.
dahil naging mapagmahal ka sa iyong ama't ina....
para po sa mga hindi pa nkakatanggap ng mensaheng ito sa FB at para sa mga anak.