Reproductive Health Bill (House Bill 5043)
The Philippines now has a population of 88 million. With four babies being born every minute, soon we'll reach a staggering 150 million by 2025! The scary thought is 49% of this is below poverty level. Imagine a nation with 75 million poor people...? The solution is obvious, we should do something about population control & that is what the Reproductive House Bill is all about.
This bill is basically about aggressive information campaign on responsible parenthood. Alam naman natin na ang mga mahihirap sa atin ay yun pa ang mabilis dumami. So sila ay bibigyan ng sapat na kaalaman sa family planning. The objective is to make sure that every baby that is born, their parents have the capabilty to support their child. Hindi naman coercive ang batas na ito kaga sa China noon na pag sobra ang anak mo ay ikukulong ka. Para sa akin, ang population control ay ang solution sa pag asenso ng Pinas. Ito lang ang paraan para madevelop ang ating taong-bayan at hindi karamihan ay ipapanganak na mahirap, lalaking mang-mang, at muli mag aanak na naman ng isang dosenang batang mag hihirap din & the cycle goes on.
May isang problema nga lang. Ang simbahan. Reproductive Health Bill does not promote abortion so bakit ba against ang simbahan? Hindi naman siguro mababawasan ang faith natin kung tayo ay mag family planning di ba?
Ang usapin ito ay pinaka mahalagang batas na mangyayari sa Pinas. Mag uumpisa na ang debate sa kongreso at sana, at sana naman ay ma-isabatas ito. Sobra na talaga ang dami ng mga batang ipinapanganak na mahirap at unfair naman na sa taxes natin kunin ang ipapakain sa kanila. Kung hindi nila kayang bumuhay ng pamilya, eh wag sila mag anak. Kaya lang kailangan mo pa ng batas para ipaintindi sa kanila ito. Otherwise, the Philippine pverty level will reach 85% & tapos noon, malapit lapit na ang civil war...ngiiiining!
Suportahan po sana natin ang batas na ito para sa ikauunlad ng bayan.