RELIGION vs LOVE
Madaling sabihing I LOVE YOU... pero minsan napakahirap patunayan kung hanggang saan ang kaya mong igive up in the name of LOVE. Pwedeng bang magmahalan ang taong magkaiba ng paniniwala at religion?
Cguro OO marami na rin naman akong kakilala na ganun ang situation. Kaya lang sa totoo lang di naman lahat ng tao ay kayang talikuran ang nakagisnang Religion gaya na lang nitong kaibigan ko.....
I have this friend di naman masasabing pihikan sya but shes already 35 yrs old & until now single pa. Very sociable naman sya at active pa nga mga Church Activities nila. So di masasabing nagbuburo syang mag-isa sa loob ng bahay kaya di maligawan.
Sa tuwing magkakausap kami di maiiwasang maging topic ang LOVE LIFE nya. Nagkaroon naman sya ng BF in the past but most of it nagtatagal lang ng ilang mos to 2 yrs. Mabait naman si friendship so baka di lang talaga sila compatible ng mga naging EX nya. Sa mga gatherings na pinupuntahan nya di rin maiiwasan na may makilala syang mga GUYS at syempre di rin maiaalis na may makaclosed sya mga ito ang problem lang is kahit gaano nya kagusto ung GUY at ganun din naman si Guy sa kanya natatakot sya mahulog ng husto lalo na at magkaiba ang Religion nilang 2. Sabi ko kay friendship di nya kayang igive up ang Religion nya e pano din kaya if ganun din ung lalaki so pano na ang gagawin nilang 2 unless na papayag magpaconvert ang isa sa kanila.
Ang nakikita ko na lang option dun is maghanap kako sya ng Guy na same religion nya para walang problem kaya lang matuturuan ba ang puso kung kailan at kanino ito titibok? (Naks!)
Nakakalungkot na dahil sa aspetong ito di sya nagiging lubos na masaya. Kasi from the start alam nya na kahit gustuhin nya di pwede. Na pagiging FRIENDS lang ang pwedeng mangyari sa kanila if laging nyang iisipin ang Religion nila which is di naman pwedeng isantabi lang lalo na if ganun din ang dinidikta ng buong pamilya.
As of now, may nagugustuhan uli syang Guy kaso again ibang Religion. Ang kaya lang nyang gawin sa ngayon e maging masaya sa tuwing kasama nya ung Guy kahit group dates lang.
* Masasabi bang sarado lang ang isip ng friend ko kaya ganun ang situation nya?
* If ikaw ang nasa situation nya hanggang saan mo ba kayang ipaglaban ung pagmamahalan nyo?
* Handa ka bang magpaconvert ng religion in the name of love?
Minsan talaga mahirap din ang magmahal....