Problema sa mga Aso...
Mga kagrupo, nawa'y matulungan nyo po ako sa aking problema:
Meron po kaming mga aso sa bahay (2 adults and 8 puppies).Mukhang walang breed (known) pero malalaki. Originally po ay 2 ung malaking aso ang naligaw sa aming accomodations area at napilitang kaming kupkupin at alagaan dahil sa mga kundisyon nito- payat at mukhang gutom.Wala naman pong naghahanap at ang mga lokal pala dito ay di oriented sa tamang pagtrato sa hayop. Anyway,
Ngayon po ay merong 8 new puppies sa bahay na anak nila. Ipinapaalis samin ng aming mga managers kasi ndi daw dapat naroon yun.
Sana mga kabayan matulungan nyo ako. Nagpost nako sa QAWS (Pet Group) pero mukhang pati cila ay merong problema sa shelter (under construction pa rin ito dahil nasunugan sila). Kung meron man po interesado na Mag-adopt, sana po pakicontact nyo lang ako. Naaawa po ako sa mga tuta. Ayaw ko mamamatay na lang sila sa kung san man sila mapatapon kung sakali.
Maraming salamat po.