Poem ni Joey para kay Willie

qatari
By qatari

just got this from my email, di ko lang alam kung kay Joey De leon tlaga galing ire hehehe... read on

Mga kababayan at bayan ko, basahin n’yo

Wala na sa piling ng
mga Pilipino,
Tinig ng awiting
Mga Kababayan Ko,
At lumisan na
rin noong isang Sabado,
Inang nagpalipad sa awiting Bayan Ko.

Ako’y sumasaludo, paalam Pangulo,
May isa ‘kong lihim, kay tagal itinago,
Sa lahat nang inabot kong
mga namuno,
Tanging ikaw lang sa luha ko’y nagpatulo.

Marami
ang nalungkot sa iyong pagyao,
Magalang
ang lahat at puno ng respeto,
Nagpasalamat pa nga Kapamilya sa ‘yo,
Dahil kanilang himpilan naibalik mo.

Subalit ano itong nabalitaan ko?
Nangyari noong Lunes, a-tres ng Agosto,
Habang inililipat
ang
mga labi mo,
Ika’y parang nabastos sa isang TV show.

At
ang napakasaklap at masakit dito,
Ang nambastos pa’y kapamilya ng anak mo,
Napanood ito ng tao at publiko,
Kakaunti na nga, ngunit lahat nahilo.

Sabi ng TV host na mainit
ang ulo
Pagkakita sa video na kanyang kasalo,
“Sandali, meron akong ano… sa’ting ano…
Hindi naman sa ano,” nagkaanu-ano!

Ayon sa Internet, meron pa s’yang nasambit,
“Sana pakitanggal muna ‘yan sa’ting traffic…”
At ‘di maaalis sa iyong pag-iisip,
Ang parada ng patay
ang pinaliligpit!

At dagdag pa daw ng naghahari-harian,
“I don’t think na dapat n’yong ipakita iyan…”
Nasaan naman
ang paggalang, o nasaan?
Mga sinasabi natin minsa’y pag-ingatan.

At ‘di pa nangimi nang sumunod na araw,
Pinilit pa ring ginawa n’ya ay tama raw,
Mga nakarinig ‘di na nakagalaw
At ayon sa iba sila na la’y napa-wow!

“… Pero ako, totoo ‘ko eh … “, sabi kuno,
Totoo nga at totoo ring walang modo,
Pwede namang sabihin itong pa-sikreto,
Kaya’t wala na
rin
mga paliwanag mo.

“Kung ganyan, pakita na lang ‘yan!”,
ang hamon pa,
Para bang
ang prusisyon nila-“lang - lang” lang ba,
Ang pangasiwaan ay pinapili pa n’ya,
Sumunod
ang himpilan, nung August 5 wala s’ya.

May
mga komentong pwede nang pang-harapan,
“On camera” baga sa TV
ang tawag d’yan
At kung sensitibo man
ang gustong bitawan,
Pagpasok ng commercial, hintayin mo na lang.

Matutong magbaba muna ng mikropono
At saka idikta lahat ng iyong gusto,
Lagi kang mataas lahat daw takot sa ‘yo,
Ratings lang
ang mababa — totoo ba ito?

The breaking news breaks your heart — at ‘yan
ang bawi mo,
Nang mahalata mong sumablay
ang pasok mo,
Pero sigurado ika’y maa-abswelto,
‘Di ba ikaw
rin
ang may-ari ng network n’yo?

Nung Hueves nag-apologize sa diario naman,
O, akala ko ba wala kang kasalanan,
Tapos ng angalan, sunod paliwanagan —
COMPLAIN before you EXPLAIN ka na naman!

O ito kaya ay
isa na namang “glitch” lang,
Tulad ng “two-zero” ‘di na natin nalaman,
O ito ay maliwanag na kabobohan?
Sa tingin ng marami, mahirap lusutan.

Ang sabi ng iba — istupidong mayabang,
At giit ng iba — istupidong mayaman,
Mayaman man o mayabang
ang tiyak diyan,
Napakayaman n’ya sa kaistupiduhan.

Buti pa
ang apat na honor guards ni Cory —
Sina Malab, Laguindan, Rodriguez, Cadiente,
Walong oras tumayo sa ulan at viaje,
Ang lahat ay tiniis at walang sinabi.

Samantalang ikaw na may bubong sa ulo,
Komportable ka lang sa malamig na studio,
Nang kapirasong libing sa TV sumalo,
Angal at inis
ang sumambulat sa iyo.

Maaari din namang pabayaan na s’ya,
Subalit
ang nangyari’y mabigat talaga,
Namayapang pangulo’y huling paalam na,
‘Di mo pa pinagbigyan … hoy, nag-iisa ka!

At nais ko lang sabihin at ipagyabang
Sa mahigit na s’yam na libong tanghalian,
Sa limang pangulong sa Bulaga’y dumaan,
Kahit
isa wala kaming nilapastangan.

Log in or register to post comments

More from Qatar Living

Qatar’s top beaches for water sports thrills

Qatar’s top beaches for water sports thrills

Let's dive into the best beaches in Qatar, where you can have a blast with water activities, sports and all around fun times.
Most Useful Apps In Qatar - Part Two

Most Useful Apps In Qatar - Part Two

This guide brings you the top apps that will simplify the use of government services in Qatar.
Most Useful Apps In Qatar - Part One

Most Useful Apps In Qatar - Part One

this guide presents the top must-have Qatar-based apps to help you navigate, dine, explore, access government services, and more in the country.
Winter is coming – Qatar’s seasonal adventures await!

Winter is coming – Qatar’s seasonal adventures await!

Qatar's winter months are brimming with unmissable experiences, from the AFC Asian Cup 2023 to the World Aquatics Championships Doha 2024 and a variety of outdoor adventures and cultural delights.
7 Days of Fun: One-Week Activity Plan for Kids

7 Days of Fun: One-Week Activity Plan for Kids

Stuck with a week-long holiday and bored kids? We've got a one week activity plan for fun, learning, and lasting memories.
Wallet-friendly Mango Sticky Rice restaurants that are delightful on a budget

Wallet-friendly Mango Sticky Rice restaurants that are delightful on a budget

Fasten your seatbelts and get ready for a sweet escape into the world of budget-friendly Mango Sticky Rice that's sure to satisfy both your cravings and your budget!
Places to enjoy Mango Sticky Rice in  high-end elegance

Places to enjoy Mango Sticky Rice in high-end elegance

Delve into a world of culinary luxury as we explore the upmarket hotels and fine dining restaurants serving exquisite Mango Sticky Rice.
Where to celebrate World Vegan Day in Qatar

Where to celebrate World Vegan Day in Qatar

Celebrate World Vegan Day with our list of vegan food outlets offering an array of delectable options, spanning from colorful salads to savory shawarma and indulgent desserts.