Pinoy Urban Legends
Mga kahindik-hindik at nakakatayong balahibong kwento sa inyong lugar na inyong natatandaan.
Elementary days – sabi ng matatanda wag maglalabas ng bahay at may gumagalang kamugot mga nanghahablot daw ng mga bata at pinupugutan at inilalagay sa sako ang mga ulo. Ewan ko panakot lang yata sa akin ng lola ko ito para di mag-layas after school.
College days - yung taong ahas sa Robinson’s Galleria na isa sa kambal na anak daw ng may-ari ng mall at pag pasok mo sa isang fitting room at nakursunadahan ka ay biglang bubukas diretso sa baba (si Alice Dixon daw ay muntik ng mabiktima).
At nung nagta-trabaho na ako na-assign ako malapit sa may Balete Drive kung saan meron daw lumalabas na white lady.
Happy Halloween!!!
May nakikita ba kayong babae sa bahay?