Pinoy Private Vehicles...

Alam naman natin ne meron tayong ibang mga kababayan na namamasada d2 sa qatar...maaring natin silang makita d2 sa Souq Area sa tapat ng Filipino Bakery. Kaya kahit biyernes eh walang parking dahil naglipana ang mga private kuno vehicles...alam natin na hindi ito legal d2 sa Qatar.. pero syempre di natin sila masisi dahil maari iba sa kanila eh meron lang business visa at ito lang ang paraan para kumita at iba naman ay nagbyahe na din para makadagdag sa extrang padala sa mga pamilya nila sa Pilipinas..
Maaaring madami tayong mga kababayan ang nakikinabang lalo na dun sa walang saksakyan atdahil din sa kakulangan ng Taxi d2 sa Doha...ngunit meron din nakaambang panganib ito sa mga pasahero... alam naman natin na meron mga insidente na meron mga nadedeport na mga kabayan natin ...partikular sa mga nakikita mga babae at lalake na magkasama at bigla na lang hahanapan ng Marriage contract at kapag walang mapakita dokumento eh agad agad kakasuhan at mapagkakamalan na magkarelasyon..gayundin sa mga ganitong namamasada natin kababayan at ang pasahero nila at babae.. alam naman natin na naglipana ang mga CID d2 sa qatar..
Meron din tayong mga kababayan na nakaranas ng pambabastos sa mga drivers na ito..at iba naman ang nagrereklamo sa mataas n singil ng pasahe. huwag naman sana lumala ito at baka malaman pa ng kinauukulan at sabay sabay mahuli ang mga kababayan natin drivers....